Shawn Smith's POVNapadpad kami sa lugar na hindi namin inaasahan. Punong-puno ng mga kakaibang nilalang na hindi makikita sa totoong mundo namin. Nakakita rin kami ng isang asul na lagusan na syang nagdala sa amin dito. Gustuhin ko mang makabalik kaagad sa eskwelahan namin. Ang Prime High pero wala akong magawa.
Kagagaling lang namin kung saan kami kumuha ng asul na bilog na prutas. Hindi ko alam kung nakuha ba ng iba pa naming kaklase kung bakit asul na prutas ang ipinakuha sa amin ni Kael. Ito ay dahil hindi tumalab sa dinasour ang lason nito ng ibato ito ni Kael sakanya.
Kinain namin ito at tama nga naman na ligtas ang prutas na iyon. Salamat kay Kael.
Binaybay namin ang kaliwang lagusan sa kweba na ito. Kung saan masikip. Hindi ko alam ang dahilan pero sumunod pa rin kami kay Kael dahil iyon ang sinabi nya. Hindi nga kapani-paniwala na sinusunod nila ang sinasabi ni Kael e. Dati rati binubully pa nila ito na sya ring dahilan ng pagkakapasok namin dito. Kung hindi ba naman kasi ako isa't kalahating bobo at nakihawak pa ako kay Kael at pinilit syang ilapit sa kahon na napulot nya.
"Tss. Ngayon lang ako nagsisisi na hindi kita sinumbatan agad sa pagkakarating natin dito. Kung hindi ka sana nagdala ng basura sa room." sambit ni Klein kaya nilingon ko sya. Pinahid nya ang mga agiw na kumapit sa balikat nya at sinamaan ng tingin si Kael na nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang pakialam sa sinabi nya. Ni hindi nya isinumbat kay Klein at sa amin ang ginawa naming pagpilit sakanya na humawak sa box.
Napatingin ako sa likuran ko at tanging si Cassy lamang ang nakita ko roon kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Oh? Shawn. Bakit ka tumigil?" tanong nito habang nakatingin sa akin.
"Ah--m-mauna ka na sa paglalakad." nahihiyang sambit ko kaya ngumiti sya at umuna na.
Nakatingin lang ako sa likod nya habang naglalakad sya palayo ng maramdaman ko ang paggalaw ng lupa kaya napakapit ako sa gilid.
"W-Woah!W-Woah! Guys lumilindol yata!" sambit ni Mark.
"T-Takbo na!" kaagad kaming kumaripas ng takbo upang makaiwas sa pagbagsak ng tipak ng semento dito sa kweba.
"K-Klein! M-Mukhang hindi nagustuhan ng kahon ang pagtawag mo sakanya ng basura!" sigaw ko sakanya. Napansin ko kasi na lumindol ng tinawag nya itong basura kaya nasambit ko ang bagay na iyon. Kaagad namang humingi ng kapatawaran si Klein kaya maya-maya pa'y tumigil ang lindol.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng matanaw namin ang malawak na bahagi ng kweba. Ibig sabihin ay tapos na naming tahakin ang maliit na lagusan.
Nakita kong nakikipag-usap si Cassy kay Reign na matalik nitong kaibigan ng biglang sumigaw ng sobrang lakas si Vanessa at sinasabing may ahas daw sa kinaroroonan nya.
Kaagad kaming tumakbo papunta roon at nakita ang may kaliitang ahas. Pinagmasdan ko ito hanggang sa marinig ang mahinang bulong ni Kael na nasa harapan ko.
"Kung may maliit na ahas, ibig sabihin may mas malaki pa sakanila, I mean may mas delikado pa sakanila." mahinang sambit nya. "Oo nga! Tama ang naisip ko." dagdag pa nito.
Nakita kong tumulo ang laway ng ahas sa bato tapos bigla na lang naging likido ito kaya bahagya akong nakaramdaman ng takot.
"That snake is too dangerous. Matapang na asido ang laway nya na ultimo ang pinakamatigas na bagay sa mundo ay kaya nitong tunawin." nilingon kaming lahat ni Blake. "Kahit bungo natin kaya nitong durugin ng walang kahirap-hirap."
Narinig kong napasinghap sa sinabi ni Blake ang lahat ng kababaihan. Tama sya. Delikado nga ang ahas na iyon.
Narinig ko ang ginawang pagsisi ni Klein kay Kael sa nangyari kaya napailing ako at bahagyang lumayo sa kanila.