"Sumakay kayong lahat sa Ark! Sumakay kayong lahat sa Ark!"
Naalimpungatan ako ng makarinig ng isang hindi pamilyar na boses. At ano daw? Sumakay sa Ark? Ah. Ar-- The fck?!
Napabangon kaagad ako sa pagkakahiga at nilingon ang nasa harapan ko.
The fck?! What are we doing here? N-No. I mean. Pano kami nakarating dito?!
"G-Guys! G-Guys! Gising! G-Guys!" natatarantang sabi ko habang isa-isa silang tinatapik.
Anong nangyari? May nakaligtaan nanaman ba ako habang natutulog? Bakit may ark sa harapan namin?
"Ano ba?! It's so earl-- What the fox?! What are we doing here?!"
Lahat sila ay napabangon at napatulala sa malaking bagay na nasa harapan namin na parang hindi makapaniwala.
"W-Wow. Titanic." si Drake na halatang manghang-mangha.
"How did we get here?"
Nanatili kaming nakatayo sa hindi kalayuan sa Ark hanggang sa maramdaman namin ang paglakas ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
"Sumakay kayo sa Ark! Sakay!"
Napatingin kami sa pinakangtuk-tok ng ark. Makikita doon ang isang lalaking nakatayo na nakasuot na parang pang-ermitanyo. Mahaba ang balbas nitong puti na umaabot na hanggang dibdib.
"Sumakay kayo sa Aaarrrkkk!"
Natauhan kami ng muli syang sumigaw. Napalayo kami ng makita na dumagsa ang iba't ibang klase ng hayop papasok sa nasabing ark.
Hippo, Elephant, Giraffe, Cheetah, Snake, Tiger, Lion, etc.
The fck?!
"N-Nakita ko na 'to. Nakita ko na to!" napatingin kami kay Blake ng bigla syang sumigaw.
"N-Noah's Ark!" bulong nya at tumango "Oo tama! Noah's Ark yan!"
"Hindi Noah's Ark yan. It's a trap. Baka mamatay tayo dyan." hirit ni Celline.
"Pano mo nasabi?" si Blake.
"B-Basta.. Mapapahamak tayo dyan."
"Tss... Praning ka na." saad ni Klein. "Noah's Ark yan. Nakikita mo si Noah?"
Natigilan kami nang mapagtanto ang sinabi nya. D-Does it mean--.
"Sumakay na tayo sa Ark!"
Kaagad kaming napatakbo palapit sa Ark kasabay ng iba pang mga tao.
Sht. Bumalik ba kami sa nakaraan?! Pano? Hindi pwede!
Pinilit kong tumakbo kahit na nararamdaman ko na ang panghihina ng mga binti ko.
Naabutan namin ang mga hayop na may kanya-kanya nang kulungan kaya hindi namin maiwasan ang mamangha sa paligid. Pano nagawa 'to? Ganito kalaki?
Nasalubong namin ang mamang may balbas. I mean. Si N-Noah. Humahangos sya habang tumatakbo papalapit sa amin.
"Sa taas! Dun kayo sa taas!" sigaw nya.
Umakyat kaagad kami sa taas na tinutukoy nya at hindi ko nanaman maiwasang mamangha dahil sa laki ng space nito.
Tinungo namin ang unahang bahagi ng ark kung saan kakaunti lang ang tao.
Napatingin ako sa labas ng Ark at Sht.
Payapa. Malamig ang simoy ng hangin. Malayong malayo sa nalalanghap ko sa mundo namin. Sa mundo naming nababalot ng polusyon.
"Kumapit kayo! Paparating na!" kaagad kaming napakapit sa gilid ng ark.
