Ken Uy's POV
"Yeah. Their features are differ from ours."
"Ye, I agree. We had white skins, while they have brown."
"Ye, we are much taller than them."
"I wonder where did they come from..."
Naalimpungatan ako ng marinig ang mahinang usapang iyon. Bahagya pa akong nag-inat dahil sa sarap ng tulog ko. Naramdaman ko ang malambot na kama sa likuran ko.
Sht. What?
Kaagad akong napabalikwas sa pagkakahiga sa malambot na kama. Bumungad sa akin ang tatlong nagtatangkarang mga lalaki na nakangiti pa sa akin.
"S-Sino kayo?"
Yumakap ako sa puting-puting unan na nasa tabi ko. Sumandal ako sa headboard ng kama upang makalayo sa kanila.
"W-What did he s-say? 'Simo keyu?"
"Idiot! He said sino camu!"
"Dumb! It's sino Quyu!"
Ang kaninang natatakot kong ekspresyon ay napalitan ng pagtataka sa kanila. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo na ngayon ay nagtatalo na sa kung ano nga ba ang sinabi ko.
Nagkaroon ako ng pagkakataong maglibot ng tingin. Namangha ako. Nasa malaking-malaki kaming kwarto. Naglalaman ito ng maraming higaan katulad ng hinihigaan ko.
Katabi ko sa kaliwa si Shawn habang sa kanan naman ay si Raven. Pinagmasdan ko silang lahat na mahimbing na mahimbing pang natutulog.
"You are really idiot! What the hell is sino camu?!"
"Tss... It's better than sino quyu! Dambass!"
"N-Nasan ako?"
Natigilan silang tatlo sa pagtatalo at nilingon ako. Nakita kong kumunot ang noo nila bago sila nagkatinginang tatlo.
"Machan Nakyu?"
"Stupid! He says Nachan Pakyu!"
"Naive! Where did you get that Nachan Pakyu?!"
"Tss... Can you repeat it again mister? Say it clearly and slowly." baling sa akin ng nasa gitna.
"N-Nasan ak-- I mean. W-What is this place? Where am I?"
"See? No pakyu here!"
Ngumiti sa akin ang nasa gitna.
"You are in our home together with them." itinuro nya ang mga kaklase ko.
"P-Pan-- I mean. H-How did we get here?"
"Ah. We saw you on the seaside. The twenty-one of you are all peacefully sleeping. We don't want to disturb your sleep, that's why we don't wake you up."
"A-Ah--"
"Nasan tayo?!"
Naputol ang akma kong pagsasalita ng malakas na umalingawngaw ang sigaw ni Drake sa buong kwarto. Nakita kong nagsimula na ring gumalaw ang iba kong kaklase at nag-inat.
"The fck?! Nasan me?!"
"N-Nasan tayo?"
"A-Ang lambot ng kama..."
"Sht. Nagsleepwalk ba tayo?!"
"Ay ano ba yan minamaligno na tayo!"
"W-What are they talking about?"
![](https://img.wattpad.com/cover/106884191-288-k694363.jpg)