"O to the M to the G! Makakalabas na taaayyyoooo guuuuuuyyysss!"
Halos lahat kami ay napatili ng makita namin ang liwanag na medyo kalayuan sa amin. Isa lang ang ibig sabihin nito, makakalabas na kami ng kweba.
Kaagad naming tinakbo ang distansya ng dulo ng kweba sa amin. Dire-diretso akong tumatakbo ng mabunggo ko ang likuran ni Ken dahil sa pagtigil nito.
"Wooah."
Lahat kami ay napatitig sa isang payapang talon. Sobrang linaw ng tubig at samahan pa ng pagkaberde ng paligid dahil sa halaman. Para kaming nasa paraiso. Malayo sa syudad na puro polusyon. Tanging huni ng ibon at agos ng tubig lamang ang maririnig mo rito.
"W-Woah. Guys may tubig!" natauhan kami ng sumigaw si Mark at kaaagad na napatitig sa tubig ng talon. Tama sya. Mukhang malinis ang tubig dito at mukhang ligtas naman inumin.
"G-Guys! Ilabas nyo na ang lahat ng pwede nyong paglagyan ng tubig! Kailangan natin makakuha ng sapat!" si Glenn.
Kanya-kanya silang nagsilabasan ng mga bagay na maaaring paglagyan ng tubig. Iyong iba ay sariling tubigan at ang karamihan naman ay mga bote ng mineral water sa school namin. Napatitig ako sa kamay ko at kinapa ang bulsa ko. Nagbabakasakaling may laman pero katulad ng inaasahan. Wala.
Dahil wala akong magawa ay pinagmasdan ko na lamang ang kanilang ginagawa ng bilang may sumigaw.
"Uy! Guys! Look parang may fish there!"
Kaagad kaming napatakbo sa kinaroroonan ni Vanessa at tinanaw ang mga isdang tinutukoy nya. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa dami at lalaki ng isda. Palagay ko kung kukuha ako ng isang daan ay mapapakain ko na ang buong baranggay namin.
"Ehem. W-We need to get some foods. Who's with me?" pagboluntaryo ni Shawn.
Kaagad kaming nagkatinginan at umiling. Lahat kami ay walang balak na magpakabasa sa talong iyan, lalo na't wala kaming baong mga damit.
"Ehem." muling pagtikhim nya. "So I guess, ako lang ang may balak kumuha."
Halos mapanganga kami ng biglang magtanggal ng polo si Shawn at kaagad lumangoy sa tubig bago tinahak ang kinaroroonan ng mga isda.
'Macho.'
W-What? I mean mocha. Tama. Gusto ko ng mocha.
Nang makarating sya roon ay nakita ko ang ginawa nyang mahigpit na paghawak sa mga isda bago inihagis sa banda namin. "Catch!" mabuti na lang at kaagad na may nakakasambot rito.
Nagpatuloy sya sa pagkukuha hanggang sa madako ang tingin ko sa kabilang bahagi ng tubig at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makati ang unti-unti nitong pag-itim.
"S-Shaawn!" nanatili akong nakatitig sa tubig. "U-Umahon ka na! Umahon ka, bilis!" natataranta kong sigaw na ikinakunot ng noo nila.
"Ano ba Kael? Kitang kumumuha pa lang yan ng foods, e."
"S-Shawn! Umahon ka na! Bilisan mo! Shawn!"
"Wait lang naman Kael. Nakaksiyam pa lang ako, e " angil nito habang tumitingin tingin sa isda.
Sandali akong napasulyap sa unti-unting pag-itim ng tubig bago muling kinakabahang tiningnan si Shawn.
"Shawn! Okay na yan! Umahon ka na!" pakikiusap ko rito pero hindi sya nakinig kahit na umalingawngaw na ang boses ko rito.
Hindi ako mapakali habang tinatanaw si Shawn na tuwang-tuwa sa pandadakma nya ng isda.
"G-Guuys! Shawn! Umalis at lumayo kayo sa tubig! Delikado!"
"Ano bang sinasab--" nakita kong natigilan si Maquenzi ng makita ang unti-unting pangingitim ng tubig. "Aaahhhhhhh!!!! Guys! Lumayo kayong lahat sa tubig! Shaaawwnn!!"
Lahat ay natarantang napalayo sa tubig habang si Shawn ay nanatili lang roon.
"S-Shawn! Shawn!" sigaw ko pero parang wala syang narinig.
"S-Si Shawn."
"Klein! Si Shawn!
"Shaaaaaaaawwwnnn!!!"
Mariin akong napapikit ng marinig ang mga daing nila. Hindi pwedeng may mawala sa amin. Kailangan makalabas kami ng buo. Wala na akong sinayang na oras at kaagad na nilangoy ang tubig.
I need to save him--sht!
"Kaaaaaeeelll!!!!" narinig kong isinigaw ni Shaina ang pangalan ko kaya mas lalo kong binilisan ang paglangoy hanggang sa mahawakan ko na si Shawn.
"S-Shawn. Shawn. Umalis na tayo rito. Kailangan na nating umahon." hinihingal na sambit ko.
"Kael?--" nakita kong natigilan sya ng makita ang pangingitim ng tubig. "Y-Yung tubig nangingitim!" sigaw nya.
"S-Shawn. Umahon ka na bilis!" kaagad syang lumangoy palapit sa mga bato kaya sinundan ko sya.
"Kael. Umakyat ka na." katulad ng sinabi nya ay umakyat ako kaagad.
"S-Shawn. Abutin mo ang kamay ko." inunant ko ang mga braso ko ng tuwid upang maabot nya ng mabilis. Dumapa pa ako sa lupa dahil may kataasan ito.
Itinaas nya ang kanyang mga kamay upang abutin ako.
"Aaaahhhhhhhh!!" sigaw nya."K-Kael! Pinupulikat ako! K-Kael!"
Napatayo ako sa sinabi nya at hindi na alam ang gagawin dahil sa pagkataranta lalo na ng makita kong napaupo na sya sa tubig. Sandali kong sinulyapan ang nadadaanan ng umiitim na tubig at kaagad na napasabunot sa buhok. Ang mga halaman nalalanta. Ang mga isda namamatay.
Wala sa sariling tumalon ako at yinakap si Shawn habang pilit na iniaahon sya sa tubig.
"S-Shawn. U-Umahon ka na."
Nahihirapan na akong magsalita dahil sa sobrang bigat nya lalo na kung ikukumpara sa akin. Malaki ang katawan ni Shawn katulad ng iba pa naming lalaking kaklase. Maskulado din ito.
Nakita ko ang pilit na paghatak ni Shawn sa sarili upang maka-ahon.
"S-Shawn! Kumapit ka!" napatingin ako sa harapan namin na kinaroroonan ni Klein habang nakaalay ang braso kay Shawn. Kaagad itong tinanggap ni Shawn kaya kaagad din siyang nakaahon.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sya ng maramdaman kong parang may humihila sa akin pailalim. Kumapit ako ng mahigpit sa bato para hindi ako madala ngunit may kadulasan na ito dahil sa tagal na nitong nakakabad sa tubig.
"K-Kael!"
Narinig kong sigaw ng kung sino bago ako tuluyang malubog sa tubig. Mula sa ilalim ay natatanaw ko pa ang paitim na paitim ng tubig. Palapit na ito ng palapit sa akin. Makikita ko rin ang unti-unting pagkamatay ng mga isda bago ako napangiti at pumikit.
Atleast may nagawa ako para iligtas sila.
Nararamdaman ko pa lang na nauubusan ako ng hininga ng maramdaman ko na may humila sa akin pataas. Nakalanghap ako ng hangin kaya naman nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko.
"Kael! Kael! Kael!" narinig ko ang pagtawag sa akin ni Luke at Shaina kaya hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa isiping ligtas sila.
Naramdaman kong inihiga nila ako sa lapag at pilit na tinutulak ang dibdib ko na para bang may pinapalabas na tubig. Gustuhin ko mang pigilan sila ay hindi ko magawa. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Lalo na ang imulat ang mga mata ko.
"G-Guys! G-Guys! H-H-Halimaaawwww!!!!!"
Nang marinig ko ang sigaw ni Kaye ay sinubukan kong iangat ang katawan ko pero wala pa ring pinagbago. Para pa rin akong nakadikit sa semento at nababalutan ng matigas na yelo.
Naramdaman kong nagsilayuan sila sa akin at parang may tiningnan na kung ano bago ko narinig ang pagtili nila.