D' Cladventure 18

123 7 0
                                    

Maquenzi Alcantara's POV

"Astig talaga guys! Titanic tayo, e! Sayang di ko nakita si Jack at Rose!" si Drake.

"Anong titanic? Noah's Ark yun! Bobo mo din e no? Kamuntikan na tayong mamatay!" si Kaye.

"Hindi naman Noah's Ark yun. Ang sabi sa bibliya. Umulan ng 40 days at 40 nights! E yung kanina nawasak lang naman ang lupa tapos umultaw na yung tubig galing sa ilalim!"

"Kahit na. E yung sa Titanic mo? Diba nasa dagat na talaga sila nun at hindi NAWASAK ANG LUPA TAPOS BIGLANG UMULTAW YUNG TUBIG GALING SA ILALIM? Atsaka parang wala naman akong kilala na Noah dun." naiiling na sagot ni Kaye.

(-_-) daming learnings.

"Ah basta. Titanic for the win!"

Hindi ko na sila pinansin at palihim na lamang na sinulyapan si Ken. Kaagad akong napaiwas ng tingin ng makita na nakatingin din sya sa akin.

Paktay! Baka isipin nya na crush ko sya! Hayf!

Hindi ko na sya muling nilingon pa at binilisan ang paglalakad upang mas mauna ako sakanila.

Ano na lang iisipin ni Ken? Na easy to get ako dahil tiningnan ko sya? Waaaaaahhhh!!! Hindi pwede!

Wooh! Hingang malalim.

"Pero naisip nyo ba na baka naghahallucinate lang tayo? Ano kasi e. Biglang nawala lahat. Parang nanaginip kang tayo." tumango kami sa sinabi ni Celline.

Nadinig ko pang nagsalita si Vanessa pero hindi ko na sya pinakinggan dahil alam ko namang walang kwenta ang lahat ng mga sinasabi nya.

Napanguso na lang ako at muling sinulyapan si Ken. Ayts! Ano bang nangyayari?! Baka isipin nya na may gusto ako sakanya?! Crush ko lang naman sya!

Napapahiya akong nagpatuloy sa paglalakad at kumuha ng bato.

"Hmp! Kung hindi ka ba naman tanga Maquenzi at todo sulyap ka sa hindi mo gusto pero crush mo naman! Pano kung isipin nyang may gusto ka sakanya? Pano kung isipin nyang hindi espesyal ang titig ko dahil tinitigan mo na sya? Bobo ka talaga e no?! Bwisit!" mahinang bulong ko bago ibinato sa medyo malayo ang bato.

Nakasimangot kong ipinagpatuloy ang paglalakad. Dapat pala kasing bobo na lang ako ni Vanessa para hindi ko naiiisip ang mga ganito. Bakit ba kasi mas matalino pa ako sakanya ng .1%? Kaimbyerna.

"Huy Maquenzi, ano bang binubulong-bulong mo dyan?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Kate sa tabi ko at kaagad na napaiwas ng tingin.

"W-Wala."

"We? Ano nga? May pabato-bato ka pa dyan ng bato." natatawang sambit nya.

"W-Wala nga. T-Trip ko lang bumato bakit ba?"

"Hahaha wala naman para ka kasing nasa music video kung mag-senti."

"Anong nag-sesenti? H-Hindi ako nagsesenti no!"

"Ah? Hindi ba? Hahaha akala ko kasi."

"Ano ba?! Umalis ka nga dito!"

"Bakit? Hindi naman sayo to ah?" inosenteng sambit nya.

"K-Kahit pa. L-Lumayo ka sakin."

Napasimangot ako ng madinig ko pa ang tawa nya habang naglalakad palayo sa akin at lumapit na kila Celline.

"Huhuhuhuh."

Ano yun? Pang best actress ang tunog.

"Naririnig mo yun Maquenzi?" tinanguhan ko lang si Cassy.

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon