ARS Clothing Line
Reign POV
Busy ako ngayon sa aking opisina. Ilang linggo na lang ay gaganapin na ang photoshoot. Kaya abala kami ngayon sa paghahanap ng model. Actually may mga napili na ang mga tao ko. Iccheck ko na lang ngayon kung attractive ba talaga yung mga nakuha nila. Gusto ko kasi maging maganda ang kalabasan nito lalo ngayong marami kaming kakompetensya.
Nawala ang atensyon ko sa aking ginagawa ng ring ang phone ko..
Kring.. kring.. kring..
Mom calling...
Si mom pala.. for sure namiss na ako nito kaya ito napatawag.. hindi pa nga pala ako nakakatawag uli sa kanila simula ng makabalik ako dito sa pilipinas.. sa london kasi sila ni dad.. ayaw pa daw kasi nila munang umuwi dito.
"Hello mom" bati ko pagkasagot ko sa tawag
"Hello baby.. hindi mo manlang kami naalalang tawagan ng daddy mo. Miss ka na namin." May himig na pagtatampong usal sa akin ni mom.
Si mom talaga. Nagdadrama na naman. Pero namiss ko din naman sila.
"Sorry mom. Medyo busy kasi ako ngayon eh. Kaya hindi ako nakakatawag sa inyo"
"Ikaw talaga..huwag naman puro trabaho. Magpahinga ka din paminsan minsan"
"yes mom. Don't worry"
"Nga pala. Ilang beses ng pumupunta dito si Dylan hinahanap. Pero hindi namin sinabi ng daddy mo kung nasaan ka. Kagaya ng binilin mo sa amin." Napabuntong hingi na lang ako sa sinabi ni mom.
Dylan is my boyfriend. No.. my ex-boyfriend to be exact.. nalaman ko kasi na may ibang babae sya kaya ako nakipaghiwalay sa kanya.. mahal ko sya. Almost 2 years na din kami mag on. Pero ayun nga niloloko lang pala ako.. kaya naman napagdesisyunan kong umuwi dito sa pilipinas para makalayo sa kanya. Ayaw nya kasi akong pakawalan. As expected, hinahanap na nga nya ako ngayon. Huwag lang sana nyang malaman kung nasaan man ako.
Natigil lang ako sa pag iisip ng magsalita uli si mom.
"Iha. Nandyan ka pa ba?" Sabi nya. Nalimutan kong kausap ko pa nga pala si mom.
"Ahh yes mom .. sorry po may iniisip lang"sabi ko
"Iha. Alam ko ang nangyari sa inyo ni Dylan. Kung ano man ang maging desisyon mo susuportahan ka namin. Pero sana kinausap mo muna sya ng ayos bago ka umalis dito para hindi sya yung ganyang hanap ng hanap sa iyo. Closure."
Hindi nga pala nila alam na ayaw akong pakawalan ng lalaking iyon. Dumating pa kami sa point na halos bakuran nya ako simula nung sinabi kong mag break na kmi dahil iniisip nyang may iba akong lalaki kaya ako nakipaghiway sa kanya. Kaya lalo kong nainis sa kanya. Hindi ako makakilos ng ayos non kasi lagi syang aaligid aligid sa akin. kaya napilitan akong umuwi dito.
I decided na sabihin na sa kanila para naman alam nila gagawin kung magpunta man ulit yung lalaking yon.
"Ganun ba iha. Don't worry hinding hindi namin sasabihin kung nasaan ka. Kapal ng mukha ng lalaking iyon." Sabi nito. Halata sa boses nito ang galit sa nalaman.
"Thanks mom."
"Sige na iha. I have to go . May mga aasikasuhin pa ako. Mag iingat ka dyan ha."
"Opo. Kayo din po maiingat din po kayo ni dad."
"Oh sya sige na.. babye na. I love you anak.." paalam ni mom sa akin.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...