Chapter Forty Nine

1.6K 42 0
                                    

Reign POV

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at bahagya pa ako napapikit ng sumalubong sa akin ang linawag. Narinig kong may mga nagsasalita sa aking paligid. Lilingunin ko sana ito ngunit hirap akong igalaw ang aking ulo, parang may nakaharang sa akinb leeg.

"Reign! Thanks god gising ka na!" Sabi ni mom ng lumapit sa akin.

"Mom!" Tawag ko dito habang pinipilit kong bumangon.

"Sandali anak. Huwag mong pwersahing gumalaw." Sabi nito sabay dating din ng doctor at may kasamang nurse na inaadjust ang aking higaan upang makaupo ako. Chineck ako muna ako ng doctor at nagbilin ng kaunti kay mom bago ito umalis.

"Kamusta pakiramdam mo anak? Gusto mo bang kumain?" Tanong ni mom.

"I'm fine mom. Ano po bang nangyari sa akin?" Sabi ko dito. Hindi ko kasi matandaan kung anong nangyari sa akin kung bakit ako naospital.

"Ang sabi sa akin ni manang fe nahulog ka daw sa hagdan sa bahay nyo." Sabi ni mom. Gulat naman akong napatingin ito at pilit iniisip ang nangyari.

"Bahay namin? Nino?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Oo. Bahay nyo ni Dylan." Mas lalo akong nagulat sa sinabi nya.

"Si Dylan? Paano nangyari yoon? Eh matagal na kaming hiwalay nong lalaking yun." Kunot noong tanong ko sa kanila na ikinagulat nila kaya lalo akong nagtaka. Wala ni isang nagsalita sa kanila kaya napaisip na naman ako.

Paano nangyari yun? Hindi ba nasa Pilipinas ako? At tinakasan ko nga sya?

Pilit kong iniisip ang nangyari hanggang sa may maalala akong taong hindi ko nakikita dito ngayon.

"Si AJ? Nasaan si AJ mom?" Tanong ko dito na lalo nilang ikinagulat.

"Mom! Dad! Ano bang nagyari? Bakit hindi kayo sumasagot? Nasaan si AJ? At tsaka bakit kasama ko si Dylan sa bahay?" Sunod na sunod na tanong ko sa kanila habang palipat lipat ng tingin sa kanila.

"Wala si AJ dito. Matagal na syang nasa ibang bansa." Sagot ni dad.

"What?? Iniwan ako ni AJ? Kelan pa???." Sabi ko dito na parang nanghihina. Naguguluhan pa din ako. Paano ako nagawang iwan ni AJ kay Dylan.

Nakita kong napabuntong hininga si dad at tila hirap na hirap na magpaliwanag sa akin maging si mom ay ganun din.

"Simula ng magpakasal ka kay Dylan. Isang taong mahigit na ang nakakalipas." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi yun ni daddy.

Lalo akong naguluhan sa mga pangyayari.

Lumayo si AJ sa akin dahil nagpakasal ako kay Dylan. Bakit ako sa kanya nagpakasal? Hindi ba dapat kay AJ? Pinagtalunan pa nga namin yun dati diba? Ang dami pumapasok sa isip ko hanggang sa nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko kaya napahawak ako dito. Sobrang sakit nya para itong binibiyak. May mga nagflashback na mga pangyayari sa aking isipan.

"Ahhhhhhhh!!!" Sigaw ko sa sobrang sakit.

"Shit!!! AJ! Babe!" Naaalala ko ng lahat lahat. Sobra sobra kong nasaktan si AJ. Nagkaamnesia ako kaya nakalimutan ko sya at nagpakasal ako kay Dylan. Pinahirapan ko pa sya noong nasa company pa namin sya at pilit pinapaalis dito. Hanggang sa bigla na lang syang umalis. Tapos nagkita ulit kami ng pumunta ako sa London at nakasama ko sya pati na din ang anak nya na si Chloe at itinuring ko na ding anak. Pero umuwi rin ako dito sa Pilipinas at pilit binabalikan ang nakaraan namin hanggang sa dumating si Dylan sa bahay.

"Where have you been?" Malamig na sabi nito at ang talim ng tingin sa akin.

"Sa office." Direktang sagot ko dito at pilit pinagtatakpan ang kabang nararamdam ko. Iniwan na kami ni manang dito sa taas ng hagdan.

"Sa office??? Ng ilang araw?? Dun ka natulog??" Sunod sunod na sabi nito.

"Kela mom ako natulog ng ilang araw. Wala naman akong ibang kasama dito eh kaya dun muna ako nagstay." Pagdadahilan ko dito at tumawa ito ng bahagya kaya nagtaka ako.

"Stop fooling around Reign!!!" Galit na sabi nito.

"Akala mo ba hindi ko alam na nasa bansa ngayon si AJ??" Gulat na napatingin ako sa kanya.

'Kelan pa? Kelan pa nakauwi dito si AJ? Bakit hindi nya manlang ako sinabihan?' Sunod sunod na tanong ko sa aking sarili kaya nawala ang atensyon ko kay Dylan hanggang sa nagulat na lang ako na hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso.

"Wag na wag kang magkakamaling magkipagkita sa kanya Reign!! Akin ka lang!! Akin ka lang Reign! Tandaan mo yan!" Galit na galit na sabi nya habang hawak padin ako sa aking mga braso. Pinipilit ko namang kumawala sa kanya.

"No!!! Bitawan mo ko Dylan!! Nasasaktan ako!!" Sigaw ko habang nagpupumiglas pa din ako.

"Bakit ha??? Pupuntahan mo sya??!! Sige!!! Puntahan mo!! Pero etong tandaan mo!!! Akin ka lang!! Akin lang!!" Sigaw ulit nito at tinulak ako kaya napaatras ako ngunit huli na ng mapagtanto kong hagdan na pala ang nasa likuran ko at tuluyan na akong nahulog dito at nawalan ng malay.


"Damn!!! Dammit!! AJ! Babe! I'm sorry! I'm sorry!" Umiiyak na sabi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sobrang nasaktan ko si AJ.

"Anak huminahon ka. Makakasama sa yan." Narinig kong sabi ni mom habang yakap yakap akong umiiyak.

"Mom! Ang sama sama ko! Huhuhu... nasaktan ko si AJ." Sabi ko dito.

"Anak hindi mo ginusto ang nangyari. Please calm down." Sabi naman ni dad.

Patuloy lang akong umiiyak hanggang sa naramdaman kong unti unti akong inaantok at tuluyan ng makatulog.

Paggising kong muli, agad akong nilapitan ni mommy at daddy.

"Kamusta na pakiramdam mo anak?" Tanong ni mom. Naalala ko na naman si AJ kaya hindi ako agad nakasagot.

"Anak?" Sabi naman ni dad.

"Mom! Dad! Gusto ko pong makausap si AJ. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Sana mapatawad nya pa ako sa mga sakit na dinulot ko sa kanya." Mahinahong sabi ko sa kanila.

"Nasa ibang bansa pa din sya anak. Kaya kailangan mo munang magpagaling para mapuntahan mo sya." Sabi ni mom.

"Anak. AJ's loves you so much. I know mapapatawad ka nya. Kaya magpagaling ka." Sabi naman ni dad. Tumango na lang ako sa kanila.

Tinanong pa nila ako kung naalala ko na din daw ang nangyari bago ang aksidente kaya sinabi ko na sa kanila at agad nilang ipinahanap si Dylan para makulong ito. Hanggang sa napagpasyahan kong magpahinga muna.

'I'm sorry babe! I love so much!' Sabi ko na lang sa aking isipan bago ako nakatulog.

♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon