AJ POV
"Gab! May progress na ba sa paghahanap sa mga anak namin?" malumanay na tanong ko kay Gab.
Kadarating ko lang kagabi at halos hindi ako nakapagpahinga dahil sa pangungumbisi sa asawa ko. Sinisisi nya kasi ang sarili nya sa pagkawala ng mga anak namin. Alam ko namang hindi nya ginusto yun at alam kong hindi nya magagawang pabayaan ang mga anak namin kaya hindi ko sya sinisisi sa pangyayari. Mas lamang pa ngang sinisisi ko ang sarili ko dahil nagpaniwala agad ako sa tawag ng secretary, I mean dating secretary ni Mr. Ventura. Kung sana tinawagan ko muna sya hindi siguro ito mangyayari. Hayys! Ang hirap. Sobra! Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mga anak ko. Nahihirapan din akong makita ang paghihirap ng asawa ko. Buti na lang at nakapagpahinga sya ngayon.
"Hey! AJ! Nakikinig ka ba?" Tanong ni Gab na nakapagpatigil sa aking pag iisip.
"I'm sorry! May iniisip lang." Nakangiwing sabi ko sa kanya na ikinailing nya.
"Anyway! Ano nga ulit yung sinsabi mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Tsss! Makinig ka kasi. Ang sabi ko wala pa din kaming makitang lead sa mga kumuha sa anak mo. Masyadong malinis ang pagkuha nila sa mga bata. Kahit ang mga cctv sa resort hindi namonitored ang pangyayari ng time na yun kaya posibleng may kasabwat sila sa resort." mahabang sabi nito.
Pansamantala akong nanahimik at nag isip.
"How about yung sa pinapahanap kong tao? May balita na ba?" muling tanong ko dito. Kasalukuyan din may mga nabantay na mga pulis dito sa bahay kasama din ang nakabantay sa line ng telephone para mamonitored din ang calls incase na tumawag ang mga salarin.
"Base sa nakalap naming information sir, sa Davao ang hometown ng pinapahanap nyo. Kaya nakipag coordinate na kami sa mga kapulisan dun para ipahanap sya." sagot ng isang pulis na kasama sa naghahanap sa mga anak ko.
"Maige kung ganon. Kung maari sana pakimaximize ang pahahanap sa mga anak ko. Hindi natin alam ang kayang gawin ng mga kumuha sa kanila. Kaya kelangan mahanap sila agad." sabi ko sa kanila.
"Gagawin namin ng makakaya namin sir."
Tumango na lang ako at nagtungo sa bar counter para kumuha ng alak saka naupo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga taong abala sa paghahanap sa mga anak ko. Hanggang sa may taong pumasok sa isipan ko.
Nasan na nga ba ang taong yon? Tanong ko sa aking sarili. Saka ko lang napagtantong posible nga kaya na may kinalaman ito sa pagkawala ng mga anak ko? Bigla akong napatayo at agad na lumapit sa mga taong nandito at sinabi ang hinala ko.
"Sigurado ka ba na may kinalaman sya sa pagkawala ng mga anak mo?" paninigurong tanong sakin ni Gab ng magpunta kami sa likod ng bahay.
"Hindi ko din alam Gab. Pero kasi.." tumingin ako dito ng seryoso bago nagpatuloy. "Sya lang ang alam kong posibleng may matinding galit sa amin. Alam mo naman yun. Sa mga nangyari noon."
"Sige. Kakausapin ko ang private investigator natin para alamin kung nasan yung taong sinasabi mo na yan." sagot na lang sa akin ni Gab bago sya lumabas para may tawagan.
"Sir. May update na tungkol sa taong pinahanap nyo sa Davao." sabi naman ng isa sa mga pulis na nandito.
"Anong balita dun?" tanong ko agad dito.
"Kasalukuyan syang nasa custody ng mga kapulisan natin doon."
"Pilitin nyo syang magsalita tungkol sa mga nalalaman nya. Dahil nakakasiguro ako na may kinalaman sya sa pagkawala ng mga anak ko. Kung kinakailangan na ako mismo ang kumausap sa kanya para mapaamin sya. Sabihin nyo lang sakin at pupunta agad ako kung nasan man sya ngayon." May halong galit na sabi ko sa mga ito.
"Masusunod sir."
*****
"Good evening Ma." Bati ko sa mother-in-law ko pagdating ko sa bahay nila. Dito ko muna kasi iniwan ang asawa ko para may kasama sya."Oh AJ. Kumain ka na ba?" tanong nya naman sa akin.
"Busog pa po ako ma. Si Reign po?"
"Nasa kwarto na sya."
"Kumain po ba sya?"
"oo kumain naman kahit papano. May balita na ba sa mga bata?"
"Wala pa ding lead ma. Pero hindi ako titigil hanggat hindi sila nahahanap." sagot ko sa kanya.
"Sana mahanap na sila. Kinausap na din namin ng papa nyo ung ibang kakilala namin para makatulong sa pag hahanap."
"Sige ma. Salamat po. puntahan ko muna si Reign sa kwarto." paalam ko dito.
"Sige"
"Hon"tawag ko sa asawa ko pag pasok ko sa kwarto. Hindi sya kumibo at nanatiling nakatalikod kaya lumapit na ako.
"Umiiyak ka na naman." sabay yakap sa kanya. Lalo syang napaiyak nung niyakap ko sya. Ang sakit makitang nagkakaganito sya.
"Yung mga anak natin hon. Huhuhu. Nasan na sila? Baka hindi sila nakakakain ng ayos." patuloy nyang iyak habang yakap ko pa din sya.
"ssshh. Gagawin ko lahat mahanap lang sila. " sabi ko dito. Patuloy pa din sya sa pag iyak. Patuloy lang din ako sa pagpapatahan sa kanya. Hanggang makatulog na sya sa balikat ko ng biglang may tumawag sa akin.
Kring... Kring... Kring...
Gab calling...
Si Gab kaya agad kong sinagot.
"Hello" sagot ko dito.
"sigurado ka ba dyan?... Sige papunta na ako"
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
Short update.🤗
Sorry natagalan sa pag update super busy kasi. Salamat sa mga naghihintay ng update ko😊-darkeye23
![](https://img.wattpad.com/cover/105387316-288-k388725.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomansaPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...