Chapter Twenty Eight

1.6K 44 0
                                    

AJ POV

"Congratulations!" Kanya kanya bati ng mga bisita.

Kakatapos lang ng kasal nila Abby at Gab at ngayon nga ay papunta na kami sa reception na malapit lang din naman dito.

"Congrats bes!" Bati ni Reign ng makalapit kami sa dalawa saka nagyakapan.

"Congrats dude!" Bati ko dito. "Pakabait ka na!" Biro ko pa.

"Langya ka talaga! Salamat dude!" Sagot naman nito.

Bumalik na din kami sa table namin dahil mag sstart na ang program.

Pagdating sa paghahagis na ng bulaklak, hinila naman ni Abby si Reign para makisali sa pag aagawan.

Pero parang napagkaisahan naman si Reign dun dahil ang paghagis ni Abby ay papunta sa direksyon nya at walang nakiagaw kahit isa sa mga kasama nya. At ang magaling ko naman bestfriend, pagdating sa garter na imbis ihahagis din para pag agawan naman ng mga lalaki, direktang sa akin ibinigay.

"Puro ka talaga kalokohan dude!" Biro ko kay Gab.

"Syempre! Kesa naman ibang tao pa ang magsuot nyan kay Reign. Sige ka! Ikaw din." Sagot naman nya. Okay! Mabuti naman naisip nya iyon. Ayoko ngang may ibang hahawak sa babe ko.

Dahan dahan akong lumapit kay Reign na nakaupo sa gitna. Bago lumuhod sa harap nya at isinuot ang garter sa kanya. Nagpalakpakan naman ang mga tao matapos kong gawin yun at kanya kanya din silang biro sa amin na kami na daw ang sunod na ikakasal.

Kita ko sa mata nya ang lungkot kahit na pinipilit nyang maging masaya ngayon. Kaya tumayo na ako bago sya inalalayan ding tumayo. Inakbayan ko na lang sya at dinampian ng halik sa noo.

"Oh kelan ang kasal nyo?" Tanong ng barkada ng makabalik kami sa table. Nakita kong bahagyang ngumiti lang si Reign sa tanong ng tropa saka ng na iwas ng tingin at hindi sinagot ang tanong nila kaya sinenyasan ko na lang sila na wag na muna magtanong.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapagdesisyon kung anong gagawin ko. Alam kong pinipilit nyang intindihin ako pero ramdam ko na tutol pa din sya dun. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagtatampo sya sa akin lalo na narinig ko silang nag uusap ng mommy nya pagkauwi ko last week.

Flashback...

"Next week na ang kasal ni Abby. Kayo anong plano nyo ni AJ?" Narinig kong tanong ng mommy ni Reign. Kakagising ko lang kasi dito kami dumaretso kahapon pagkauwi ko galing Bicol nagstay kasi ako dun ng tatlong linggo. Similip ako ng konti sa kusina kung saan sila nag uusap mag ina.

"Hindi ko alam mom." Malungkot na sagot nya sa ina.

"Hindi pa ba kayo nagkakausap ulit tungkol dyan?" Tanong ulit nito.

"Ayokong i-open ang topic na yan sa kanya mom. Alam ko naman na yung isasagot nya eh. Kaya bakit pa ako magtatanong diba?" Sagot naman nya.

Nakonsensya naman ako sa sinabi nya. Totoo naman kasi yun sinasabi nya.

"Intindihin mo na lang muna anak. May plano naman siguro sya sa inyo." Sabi na lang ng mommy nya para pagaanin ang loob nya. Iniba na din nito ang kanilang pinag uusapan kaya pumasok na din ako na kunwari'y walang narinig.

End of Flashback...

"Babe!" Narinig kong tawag sa akin kaya naputol ang pag iisip ko at nilingon ko ito.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay lumapat na ang lips nya sa akin saka sya yumakap at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ko. Siguro nakapag isip isip na sya kaya naglalambing na sa akin. Ganyan kasi sya nagtatampo sya sa akin, kapag narealize nya na may mali sya maglalambing na lang sya pagkatapos nun at hindi na namin pinag uusapan pa ulit.

"Are you okay babe?" Tanong ko dito saka ko ito niyakap din at dinampian ng halik sa ulo. Tumango lang ito bilang sagot. Pagod na din siguro.

Tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko naman ang mga magulang ni Reign na nakikipag usap sa bagong kasal.

Naalala ko na naman yung pag uusap namin ng mga magulang nya.

Flashback...

Bumaba muna ako para uminom ng tubig. Kakatapos ko lang din kasing magshower.

"Si Reign?" Tanong sa akin ng mommy nya ng makita akomg bumaba.

"Nasa kwarto po, nagsshower pa po nung lumabas ako." Magalang na sagot ko. Medyo naiilang din ako sa kanya, dahil na din siguro sa narinig kong pag uusap nila kaninang umaga.

"Ahh ganun ba! Pwede ka ba namin makausap?" Medyo nakaramdam ako ng kaba, seryoso kasi ang daddy nya ng sinabi iyon.

"Sige po!" Sagot ko na lang. Pinilit kong kumalma. Mabait naman sila kung tutuusin dahil lang siguro sa alam kong alam nila ang problema sa akin ng kanilang anak kaya ako kinakabahan.

"Iha, ayaw sana namin makialam sa inyong dalawa pero alam naming hindi ka ulit kakausapin ni Reign tungkol dito kaya kami na lang." Sabi ng mommy nya ng makaupo kami sa couch sa sala.

"Naiintindihan namin kung bakit wala pa kayong planong magpakasal ni Reign. Kaya lang hindi lang kasi yun ang problema." Pambitin na sabi ulit ng mommy nya.

"Sa tuwing umaalis ka at pumupunta sa ibang lugar, nagpapakabusy lang sa trabaho si Reign. Madalas nag oovertime sya kahit na pwede naman nya gawin kinabukasan yun. At kita ko ang lungkot nya. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na kaya nya ginustong magmanage na ng company namin ay para may mapagkakaabalahan sya ng husto pag umaalis ka ng matagal." Sabi ng daddy nya. Mataman lang naman akong nakikinig sa mga sinasabi nila.

"Alam kong hindi nya sinasabi sa iyo ito pero sa tingin ko dapat mo ding malaman." Sabi pa ulit nito na ipinagtaka ko.

"Ang alin po?" Takang tanong ko.

"Ayaw na nyang nahihiwalay ng matagal sa karelasyon nya. Nadala kasi sya sa dati nyang boyfriend na niloko lang pala sya. Lagi kasi itong nagpapaalam na may out of town dahil daw sa business. Hanggang sa nalaman nyang iba pala ang pinagkakaabalahan. Nasaktan sya ng husto dun kahit na ginusto nung lalaki na makipagbalikan sa kanya, hindi nya tinanggap at iyon din ang isang dahilan kung bakit sya umuwi dito sa Pilipinas." Paliwanag ng daddy nya.

Napaisip naman ako dun.

Kaya pala ganun na lang ang emosyon nya pag nakakauwi ako galing ibang lugar. Pero bakit hindi nya manlang sinasabi sa akin?

"Alam kong ayaw niyang isipin mo na hindi ka nya pinagkakatiwalaan kaya hindi nya sinasabi sa iyo." Sabi naman ng mommy nya na tila nabasa ang nasa isip ko.

"Iha! Alam naming wala kaming karapatan panghimasukan kayo lalo ka na sa mga desisyon nyo. Pero sana pag isipan mong mabuti ang dapat mong gawin." Makahulugang sabi ng mommy nya. Alam ko kung anong tinutukoy nya.

"Tumatanda na kami AJ. Sa iyo lang namin gustong ipagkatiwala ang anak namin. Alam naming mahal nyo ang isa't isa kaya hindi namin hinadlangan ang relasyon nyo. At ikaw lang din ang gusto namin makatulong nya sa pagmanage ng companya namin." Sabi pa ng daddy nya.

"Naiintindihan ko po. Kaya lang hindi naman ako nakapagtapos ng anumang business related course." Sagot ko sa kanina.

"Hindi problema yun. Pwede naman kitang i-train." Sagot naman ng daddy nya.

"Ah~eh" alanganing sagoy ko.

"Kapag iniwan mo na ang pagsusundalo mo i-ttrain n agad kita. Hindi kakayanin ni Reign na ihandle lahat yun kaya umaasa kami na matutulungan mo sya." Napakamot na lang ako sa batok ko dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanila.

Napakalaki ng tiwala nila sa akin kaya sa tingin ko kailangan ko ng magdesisyon. Hindi lang naman para sa akin to kundi para sa amin ni Reign.

"Pag iisipan ko po!"

End of Flashback...

Napabuga na lang ako ng hangin.

Kailangan ko na talagang magdesisyon.

Ano nga bang dapat kong gawin?

♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢

A/N: Gawa gawa ko lang po yang sa program ng kasal nila. Pagpasensyahan nyo na po. 😂😂😂


I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon