Reign POV
Nagising akong wala si AJ sa tabi ko. Natatakang napatingin naman ako sa orasan.
It's already 9am, kaya pala wala na sya sa tabi ko.
Nagtaklob ulit ako ng kumot, medyo inaantok pa din kasi ako.
Wala sa sariling napangiti naman ako ng maalala ang nangyari kagabi. It's so amazing! Hindi ko din sukat akalaing magagawa ko yun. First time kong gawin yun pero okay lang din naman atlis alam ko na kayang kong paligayahin ang mahal ko.
Gulat akong napatingin ng biglang may humablot ng kumot na nakatalob sa akin.
"Good morning babe!" Bati nya sa akin sabay kiss sa lips ko.
"Goodmo~~...shit!" Wala sa sariling sabi ko ng mapansin nakalantad pala ang hubad kong katawan at agad na hinila ang kumot para takpan. Narinig ko namang tumawa ang isa kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"What?? There nothing to hide babe! Nakita ko ng lahat yan." Pilyang sagot nito sabay kindat pa na ikinapula ng mukha ko. Wtf! Kelan pa naging ganito to?
"Pervert!" Angil ko dito sabay irap na lalong ikinatawa nya.
"Okay okay! Babe! Nagbibiro lang ako." Sabi nya habang nagpipigil ng tawa kaya
"Hindi ako natutuwa!" Inis na sabi ko.
"Pft! Fine! Sorry babe! Kaaga aga ang init agad ng ulo mo. Lika nga dito payakap ako." Sabi nya bago bahagyang hinila ang kamay ko saka ako niyakap.
"Uhmm. Lambot!" Mahinang sabi nya kaya napakunot ang noo. Bigla naman akong napalayo ng maisip ang sinabi nya.
"Bastos mo talaga! Hindi ko alam na may tinatago ka pa lang kamanyakan." Inis pa rin sabi ko.
"Can't help it! You're to hot and sexy babe! Sa iyo lang naman ako ganito. I love you so much babe!" Malambing na sabi nito habang hinahawi ang hibla ng buhok kong nakatabing sa aking mukha.
Hindi ko naiwasang pamulahan ng mukha sa mga sinabi nya. Confident naman ako sa katawan ko pero nahihiya pa din ako.
Isiniksik ko na lang sa kanyang leeg ang aking mukha para pagtakpan ang pamumula ng mukha ko.
Ang galing kasing magpakilig nito eh! Tsk tsk!!!
"Bihis ka na babe! Baka hindi pa ako makapagpigil ikaw pa maging breakfast ko." Hinampas ko agad sya ulit sa braso ng sabihin nya yun.
"Kainis ka talaga!" Sabi ko sabay irap. Tawa naman sya ng tawa. Urgghh! Lakas talagang mantrip! Kainis!
Tumayo na ako na nakabalot pa din ang kumot sa katawan ko saka kinuha ang damit na nakita ko sa side table bago ako dumaretso sa banyo.
"Let's eat na babe!" Yakad nya sa akin ng makarating ako sa kusina.
"Let me babe!" Sabi ko sa kanya ng akmang ipagsasandok nya ako ng pagkain.
Inuna kong lagyan ang plato nya bago yun akin saka kami nag umpisang kumain.
"Babe tumawag nga pala sa akin si Ren kanina. May meeting daw kami about sa bagong client namin ng software. Tsaka yung balak naming i-upgrade into big Software Development Company yung business namin. Gusto mong sumama?" Sabi nya.
"Kailangan ko pumunta sa restaurant ngayon babe eh." Sabi ko naman dito.
"Ganun ba? Hanggang anong oras ka magstay dun? Baka kasi gabihin kami, hindi kita masundo." Sagot naman nya.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
Roman d'amourPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...