AJ POV
It's been three months simula ng mangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko, ang makalimutan ako ng taong pinakamamahal ko. Mahirap tanggapin pero dapat kong kayanin.
Hanggang ngayon ay nagttrabaho pa din ako sa company nila at ngayon nga ay itinalaga ako ni dad bilang CEO ng isang company nila. Alam kong hindi na ito dapat dahil wala na kaming ugnayan ni Reign pero nangako ako noon kay dad na tutulong ako sa pag manage at sa kagustuhan din nila kaya ako nanatili dito.
Ikinasal na din sila noong nakaraang linggo. Alam kong minadali ni Dylan to para sa plano nya at sinamantala nya na walang naaalala si Reign sa akin kaya lalo akong nasasaktan. Ang babaeng dapat pakakasalan ko ay sa iba napunta.
Gusto ko nang sumuko at magpakalayo layo na lang pero hindi ko magawa dahil ayaw kong tuluyang ipagkatiwala sya kay Dylan. Lagi ko pa din syang binabantayan sa malayo kahit na nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Kinausap din ako ng parents nya at ni Abby na huwag akong sumuko sa amin ni Reign.
Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umaasa na isang araw ay babalik pa sa akin ang mahal ko lalo na at kasal na sila.
Nagpapasalamat na din ako sa aking mga kaibigan dahil hindi nila ako pinababayaan. Pati na rin ang pamilya ko lalo na ang parents ni Reign. Lagi silang nandyan para damayan ako at palakasin ang loob ko.
Natigil ako sa aking pag iisip ng may biglang pumasok sa aking opisina.
"Reign." Mahinang sabi ko ng makita sya. Alam kong hindi nya narinig yun. Wala pa din syang pinagbago. She's too beautiful. I missed her so much. I've been longing for her hugged and kisses and I want to do it right now but I can't. Ayokong bigyan pa sya ng dahilan para mas layuan ako.
"What can I do for you?" Kalmadong tanong ko dito habang mataman nakatingin sa kanya.
"I want you to leave our company." Seryosong sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
"Why?" Kalmado pa ding sabi ko. Hanggat maaari ayokong magpakita ng emosyon sa kanya.
"Simple lang. Dahil ang asawa ko na ang dapat nasa posisyon na yan at hindi ikaw." Matigas na sabi nito. Nasaktan ako sa aking narinig lalo na ng banggitin nya ang kanyang asawa na dapat ay ako.
"No. You're not totally the owner of this company. Daddy mo pa din ang magdedesisyon dito. At daddy mo din ang naglagay sa akin sa posisyon na ito kaya sya lang ang may kaparatang tanggalin ako dito." Seryosong sabi ko dito na ikinagalit nya.
"Bakit ba pilit mong ipinagsisiksikan ang sarili mo sa family namin??? Kung dahil yan sa sinasabi nyong nakaraan natin huwag ka nang umasa dahil may asawa na ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noon at pumatol ako sa kagaya mo na lesbian." Halos madurog ang puso ko sa sinabi nyang iyon. Hindi ko inasahan na darating ang pagkakataong ito na pandidirihan nya ako dahil sa kasarian ko. Pero pilit ko pa din itinago sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Yes tama kayo ng narinig sinubukan namin na sabihin sa kanya ang nakaraan namin pero hindi nya inintindi.
"Would you please stop your tantrums miss? Marami pa akong gagawin kaya please lang kung wala ka ng importanteng sasabihin makakaalis ka na." Sabi ko na lang dito saka kunwari ay pinagpatuloy ang aking ginagawa kanina. Ayokong patulan ang mga sinasabi nya. Masakit din isipin na ang dating Reign na puro lambing at pagmamahal ang pinaparamdam sa akin ay napalitan na ng galit.
"Remember this AJ. I will make your life miserable here." Narinig kong sabi nya kaya nag angat ako ng tingin. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Sana lang may magawa ako para maalala nya kung sino ako sa buhay.
Magsasalita na sana ako ng biglang may magsalita sa kanyang likuran.
"Stop that Reign!!!" Pagalit na sabi ni dad na ikinagulat namin pareho.
"Dad??" Gulat na sabi ni Reign ng makita ang ama.
"Whats happening to you Reign?? Hindi ka naman ganyan noon!!" Sabi ni dad. Hindi naman umiimik si Reign na nakayuko lang.
"AJ deserve this position here in the company. Kaya hindi sya aalis dito." Sabi pa nya.
"But dad, may asawa na ko. Dylan deserve this position dahil asawa ko na sya and I'm the future owner of this company kaya may karapatan din ako dito." Galit na sabi naman ni Reign sa dad nya
"No!! Dylan don't deserve any position in this company. I'm still the owner here at ako ang masusunod." Galit na sabi ni dad. Kasama din pala nya si mom ngayon na pinapakalma sya.
"I can't believe this dad!! Mas pinapaboran mo pa sya kesa sa akin na anak mo??" Galit na sabi nya saka lumabas ng opisina.
Lumapit naman ako sa mag asawa na may dalang tubig.
"I'm sorry iha." Sabi ni mom sa akin.
"No mom. Wala po kayong kasalanan dito." Sabi ko naman dito.
Kanina pa pala sila dito at narinig nila ang lahat ng sinabi sa akin ni Reign.
"Ang laki ng pinagbago ni Reign. At alam kong nabrainwash na sya ni Dylan lalo na pagdating sa company kaya ganon na lang ang kagustuhan nyang maalis ka dito." Sabi ni dad ng makalma sya.
"AJ. Alam kong nahihirapan ka na pero makikiusap pa din ako sa iyo. Please never give up on my daughter." Pakiusap sa akin ni mom.
"Mom gustuhin ko man pero anong magiging laban ko? Kasal na sila." Sagot ko naman.
"Please AJ. We know one day maaalala nya din lahat at alam naming ikaw ang pipiliin nya pag nangyari yun. Kaya please huwag kang sumuko." Sabi naman ni dad. Hindi ako nakasagot sa kanila dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Gulong gulo na ako. Sobrang nasasaktan na din ako sa nangyayari.
Umalis na din sila pagkatapos namin mag usap at naiwan na naman akong mag isa.
Nawalan na ako ng ganang magtrabaho kaya nagpasya na lang akong umuwi.
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
![](https://img.wattpad.com/cover/105387316-288-k388725.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...