Chapter Seven

2.1K 54 0
                                    


Reign POV

After that dinner mas napadalas ang pagkikita namin ni AJ. Mas naging close kami at madami pa akong nalaman tungkol sa kanya. At ngayon naman ay ipapakilala nya daw ako sa barkada nya. Nalaman ko din na photography ang isa sa business nila ng barkada niya at sila pala ang nakuha ng clothing line ko para sa photoshoot. Kaya agad ko din sinabihan ang mga tauhan ko sa company na wala silang sasabihan na ako ang may ari nito.

Kakarating lang namin sa building ng clothing line ko. Nasa elevator na kami ngayon. Medyo kinakabahan ako dahil mamemeet ko ang mga kaibigan nya syempre hindi ko kasi alam mga ugali nila pero based sa mga kwento nya mukhang ok naman sila pero nandun pa din ung kaba ko.

"Hey guys.!" Bati ni AJ pagpasok namin ng room kung saan gaganapin ang photoshoot. Habang ako naman ay nasa likuran niya lang nakasunod.

"Uy AJ. Buti nandito ka na."

"Grabe ka dude. Kung hindi pa dahil dito sa photoshoot hindi ka pa magpapakita sa amin."

"Oo nga."

Sunod sunod na sabi ng mga tao na nasa loob ng room siguro sila yung barkada ni AJ.

Ganun ba katagal hindi nagpakita si AJ sa kanila kaya ganun na lang sila makareact nun nakita nila to? Kaloka sila uh? Pero impernes naman sa kanila mukhang makukulit sila. Medyo nabawasan na tuloy yung kaba ko kumpara kanina.

"Hep!! Relax lang guys! Isa isa lang pwede mahina kalaban." Natatawang sabi ni AJ sa mga kaibigan nya na wala pa din tigil sa pagsasalita kanina.

Medyo sumilip naman ako para makita sila. Nasa likuran pa din kasi ako ni AJ hanggang ngayon.

Mukhang napansin nila ako dahil napatingin sila sa akin kaya napatingin din si AJ.

Umalis naman si AJ sa harap ko saka ako hinila papalapit sa mga kaibigan nya.

"Ahh guys I want you to meet Reign. And Reign barkada ko nga pala." Pagpapakilala nya sa akin sa mga kaibigan nya.

Isa isa naman nila akong binati at nagpakilala.

Umalis naman si AJ saglit para kausapin ang isa sa tauhan ko dito. Kaya naman nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang mga kaibigan nya na intrigahin ako tungkol sa amin.

"Saan nga pala kayo nagkakilala?" Tanong sa akin ni Gab habang ang iba ay mga nakatingin lang sa akin.

Medyo nailang naman ako sa mga tingin nila kaya medyo nag alangan akong sumagot.

"Huwag kang kabahan sa amin. Mababait kami. May mga gusto lang kaming itanong sayo. Kapag kasi si AJ ang tinanong namin paniguradong hindi kami sasagutin non." Sabi naman ni Nathan.

Napansin siguro nila hindi ako komportble kanina. Medyo nahiya naman ako sa kanila kaya sinagot ko na ang tanong nila.

"Nagkita kami sa restaurant na pinagtatrabuhan ko. Aksidente kasing nagkabungguan kami ng kasama nya na ex-girlfriend nya daw. Inaway ako nung kasama nya pero inawat nya yon at saka sila umalis then after one week nagpunta ulit sya sa resto at kinausap nya ako. Humingi sya ng paumanhin sa ginawa na ex nya. After non. Naging close na din kami." Sagot ko sa kanila. Napansin ko namang napangiti sila sa sinabi ko.

"I guess si krystal yon sinasabi mo. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng yon." Sabi ni Nicole na halatang inis sa babaeng yun.

"Teka kelan pala nangyari yun?" Tanong naman ni Ren sa akin.

"Lastmonth." Sagot ko.

"Ah kaya pala" sabay sabay nilang sabi saka ngumiti ng nakakaloko na ikinapagtaka ko. Kaya hindi ko din napigilang magtanong.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon