Reign POV
"Are you okay babe?" Narinig kong tanong ni AJ sa akin. Nakahilig kasi ako sa balikat nya habang masayang pinagmamasdan ang mga kasama naming na nagsasayawan sa gitna. Para kasing naging welcome party namin ito.
Bahagya kong inangat ang aking ulo at tinignan sya ng may ngiti sa labi. "Of course babe! Nandito ka sa tabi ko eh." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman syang napangiti habang nakatingin sa akin.
"I love you so much babe!" Sabi nya matapos nya akong dampian ng halik sa labi.
"I love you too." Sagot ko naman bago sya niyakap.
"Ikaw ha? Sobra mo akong pinag alala." Bigla sabi nya habang nakayakap din sa akin.
"Sorry babe! Yun lang kasi ang naisip kong paraan para umuwi ka agad. Sorry kung pinag alala kita." Sabi ko naman.
"It's okay babe! Ang importante magkasama na tayo ngayon. But please! Don't do that again huh? Sobra talaga kasi akong nag alala sayo." Sabi naman nya.
"Opo! Sorry ulit!" Sagot ko naman.
Bahagya naman syang lumayo sa akin bago ako tinitigan sa mata.
"I'm so happy to have you again. Hindi na ako papayag na malayo ka pa sa akin kahit anong mangyari. I love you so much!" Malamlam na sabi nya habang hawak ng isang kamay nya ang aking pisngi.
"Ako din babe! Masaya ako na kasama na ulit kita. Don't worry babe! Hindi na tayo magkakalayo ulit. I love you too." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya bago ako hinalikan sa labi.
"Hey love birds!" Narinig naman naming sabi kaya kami napahiwalay at napatingin dito. Si Abby pala.
"What?!" Iritang sabi ko. Panira kasi ng moment eh.
"Sorry sa istorbo ha?? Mamaya nyo na lang ituloy yan. Yung kasing anak nyo ayun antok na antok na baka gusto nyo ng kunin at patulugin?" Sarkastikong sabi nya na napatawa na man ang katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Kunin ko lang si Chloe babe!" Paalam nito sa akin kaya tinanguan ko na lang at sinundan ng tingin.
"Wag kang mag alala bes. Mahaba haba pa naman ang gabi kaya pwede nyo pang ituloy yan mamaya." Pang aasar na sabi ni Abby.
"Ang ano ha?!" Inis na sabi ko sabay irap.
"Masyado ka naman kasing halata bes. Aba hinay hinay lang. Alam kong miss nyo na ang isa't isa pero alalahanin mong may instant anak ka na ding iintindihin." Sabi naman nya.
"Alam ko naman yun at tanggap ko yun. Masaya ako na ako ang tinuturing nyang ina ngayon. At sobrang saya ko din dahil okay na kami ni AJ." Nakangiting sabi ko sa kanya habang nakatingin kay AJ na nakikipag usap sa magulang nya habang buhat nya si Chloe.
"I'm so happy for you bes! Kasal na lang talaga ang kulang." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Kelan kaya yun no?" Sabi ko naman.
"Naku bes! Maghintay ka lang. Sigurado akong may plano yan lalo pa ngayon na walang ng dahilan para hindi matuloy ang kasal nyo." Sabi naman nya.
"Oo nga eh. Nagawa nyang i-give up ang career nya para sa akin. Hihintayin ko na lang kung kelan yun. Alam kong malapit na yun." Sabi ko na lang.
"Oh sya. Mauuna na ko. Yayakagin ko ng umuwi ang asawa ko para masimulan na din naming gumawa ng little Gab at little Abby. Kakainggit ka eh. May instant baby ka." Biro nito sa akin.
"Loka ka talaga. Sige na. Mag ingat kayo ah. Salamat sa pagpunta." Sabi ko sabay beso beso.
"No problem. Una na ko! Bye!" Sabi nya pa bago kumaway pa sa akin bago tuluyang lumayo.
"Babe!" Narinig ko namang tawag sa akin kaya napalingon ako at agad ding tumayo.
"Tulog na ba sya?" Tanong ko dito.
"Oo eh. Mukhang napagod talaga." Sabi naman nya.
"Pagkatuwaan ba naman ng lahat eh." Sabi ko naman habang inaayos ang damit ni Chloe.
"Tara na! May sariling kwarto sya dito. Talagang pinaayos pa ng kanyang grandma at grandpa."natatawang sabi ko.
"Really? Baka naman masyadong maspoiled to? Ayoko ng ganun." Sabi naman nya.
"Don't worry babe! Hindi naman natin hahayaan na maging ganun diba? Papalakihin natin sya ng maayos." Sabi ko habang naglalakad kami papasok sa bahay.
"Oo naman. At alam kong magiging mabuting ina ka sa kanya." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
Pagtapos namin maiayos ng higa si Chloe. Nagpunta din kami sa kwarto ko.
"Una ka na magshower." Sabi nya kaya nagdiretso na din ako dun. Pagtapos saka sya nagshower.
Nahiga na din ako agad after kong magpatuyo ng buhok saka hinintay na matapos si AJ.
"Babe!" Nagulat ako ng yumakap sya sa likuran ko. Hindi ko namalayang tapos na pala sya.
"Grabe ka naman babe! Gulatin ba daw talaga ako?" Sabi ko sa kanya bago humarap.
"Sorry!" Sabi nya bago ako niyakap ulit.
Ilang minuto din ang lumipas na tahimik kami pareho.
"Anong iniisip mo?" Sabi ko sa kanya.
"Yung future ko na kasama ka." Napangiti naman ako dun.
"Talaga?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tumango naman sya.
"Gusto ko nang magkababy tayo para may kalaro na si Chloe." Nakangiting sabi nya.
"Agad agad?" Gulat na sabi ko sa kanya.
"Ayaw mo bang magkababy tayo?" Sabi nya na parang nalungkot.
"Hindi naman sa ganun. Aba magpakasal muna siguro tayo diba?" Inis na sabi ko naman na napatawa sya. Para kasing wala na naman syang planong magpakasal sa akin. Kainis lang.
"Ano nakakatawa?" Pagtataray ko sa kanya.
"Just like old times. Kasal pa din ang pinagtatampo mo sa akin ha?" Pang aasar nya sa akin.
"Eh kasi naman ikaw eh~~~" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinalikan sa lips.
"Don't worry babe! Malapit na." Sabi nya bago ako niyakap.
"Talaga?" Sabi ko naman.
"Opo! Kaya matulog na tayo!"
"Goodnight babe! I love you so much!" Sabi ko saka nagsumiksik pa sa kanya.
"Goodnight din. I love you too!" Sabi naman nya bago ako dinapian ng halik aking ulo na nakapagpangiti sa akin. Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa makatulog kami pareho.
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...