Reign POV
Mabilis lumipas ang mga araw at mas lalo akong napapalapit kay AJ at kay Chloe. Pero mas madalas na kasama ko si Chloe dahil na din sa dami ng trabaho ni AJ. Ayaw naman nyang tulungan ko sya.
Sa halos dalawang linggo na pag sstay ko dito ay naging sobrang saya ko. Hindi ako nagsisisi na pumayag ako kay daddy na papuntahin ako dito. I don't care now kung malaman ni Dylan na magkasama kami ni AJ dito. Kung pwede nga lang dito na lang ako at huwag ng bumalik sa Pilipinas kaso marami akong responsibilidad don kaya sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko ng bumalik bukas. At hindi ko pwedeng takasan ang katotohanang may asawa ako.
Alam na ni AJ na kailangan ko ng umalis bukas ngunit hindi ko pa alam kung paano ako magpapaalam kay Chloe. Masyado ng napalapit sa akin ang bata.
Kasalukuyan akong nanunuod ng tv dito sa sala. Ako lang kasi mag isa ngayon, isinama kasi ni AJ si Chloe para sa General Check up nito. Quarterly nya daw itong ginagawa para masiguro ang kalusugan ng bata. Gusto nya sana akong isama pero tumanggi ako dahil kailangan ko na ding mag ayos ng gamit ko na natapos ko na kani-kanina lang.
"Hey, mommy wake up!" Agad akong napamulat ng mata ng marinig iyon. Nakatulog pala ako dito sa couch.
"Hello baby!"bati ko kay Chloe. Kadarating lang din pala nila.
"Let's eat mommy! We brought you pizza!" Masayang sabi nito sabay hila sa akin papuntang kusina.
"Ah baby. Where's your daddy?" Tanong ko dito ng mapansin wala dito si AJ.
"Naku iha. Bumalik ng opisina si AJ. Madami pa daw syang gagawin. Inihatid na nga lang nya kami sa baba kanina dahil sa sobrang pagmamadali." Biglang sabi ni manang na kakapasok lang pala dito sa kusina.
Hindi na ako kumibo sa sinabi ni manang. Alam ko naman kasing sobrang dedicated sa trabaho nun eh.
*****
8 na ng gabi nakauwi si AJ pero ang dami nya padin dalang folders. Mukhang dito na nya itutuloy ang mga kailangan nyang gawin.
"Where's Chloe?" Sabi nya ng mailapag nya ang mga dala nya sa center table dito sa sala. Ito ang pinakagusto ko sa kanya eh. Kahit gaano pa sya kabusy hindi nya nakakalimutan si Chloe.
"Tulog na. Mukhang napagod kanina eh." Sagot ko naman. Tumango tango lang sya bilang sagot.
"Kumain ka na ba? Ipinagtabi kita ng pagkain. Ipaghahanda kita?" Sabi ko ulit. Halata kasing pagod na pagod sya.
"Coffee na lang." Sagot nya na hindi manlang tumingin sa akin.
"Okay!" Sabi ko na lang bago naglakad papuntang kusina.
"Here's your coffee!" Sabi ko ng makabalik ako sa sala sabay lapag sa harapan nya.
"Thank you babe!" Bigla akong napatingin sa kanya.
"What?" Natatakang tanong ko.
Tama ba yung narinig ko? Tinawag nya akong babe?
"Ah. Nothing! You can sleep na. Hindi mo na ko kailangan asikasuhin." Sabi lang nya.
"It's ok AJ. Pwede din naman kitang tulungan dyan eh." Sabi ko.
"Okay lang ako. You need to take a rest. Bukas na ang flight mo." Sabi nya habang nakatingin sa akin.
Kita ko ang lungkot sa kanyang mata ng mabanggit nya ang pag alis ko. Ayokong mag assume, pero sa nakikita ko ay parang ayaw nya akong paalisin. Kung sa akin lang, ayaw ko din umalis pero kailangan eh. But I promise babalik ako dito.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...