Reign POV
Nasa labas pa ako hanggang ngayon. Ilang oras na ang nakalipas simula nung makaalis si AJ. Pansamantalang iniwan ko muna ang mga bata sa tinutuluyan namin kwarto. Tulog na din naman sila kaya naiwan ko muna sila.
Hanggang ngayon hindi pa din ako mapanatag. Simula kasi nung umalis kanina si AJ hindi na ako mapakali. Alam kong hindi tama ito. Matagal na din naman nya itong ginagawa. Dapat nga masanay na ako diba? Na palagi syang naalis pero ewan ko ba. Parang iba talaga ngayon eh. Feeling ko may hindi magandang mangyayari. Ayaw ko sana syang paalisin kaya lang alam kong importante yun pupuntahan nya kaya hindi ko na sya pinigilan pa.
"Bes! Bakit gising ka pa?" narinig kong tanong sakin na nakapagpatigil sa aking pag iisip. Nilingon ko lamang sya saglit saka tumingin ulit sa malayo. Hindi ako nag abalang sumagot dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko.
"Uy bes! May problema ba? Kanina pa kita pinagmamasdan sa malayo. Nakatulala ka lang dyan. Tapos ngayong lumapit ako hindi ka manlang kumikibo dyan." mahabang sabi nya matapos umupo sa tabi ko.
"Dahil ba sa pag alis ni AJ?" pahabol na tanong nya.
Napabuntong hininga lang ako pero hindi ko pa din sya sinagot.
"Ang lalim nun ah!" "Tell me Reign! Kung anong problema mo. Ngayon ka pa ba maglilihim sa akin? Bestfriend mo ko kaya ramdam ko kapag may problema ka." Kilalang kilala nya talaga ako. Alam ko naman na never nya akong pinabayaan. And I'm very thankful for that.
"Hindi ko maintindihan ang sarili ko Abby eh." unang sabi ko. Hindi naman sya umimik. Alam kong hinihintay nya ang susunod kong sasabihin kaya ipinagpatuloy ko na lang.
"Hindi ba dapat nasanay na ako na palagi syang naalis? Pero iba kasi ang pakiramdam ko ngayon eh. Hindi ako mapakali. I don't know kung masyado lang ba akong napaparaniod or what. Basta hindi ko maintindihan."
Ilang minuto din ang lumipas bago nagsalita si Abby.
"Just trust her Reign. You know how much she loves you and your kids. Sa dami ng pinagdaan nyo ngayon ka pa ba magkakaroon ng doubt sa kanya? Isipin mo na lang yung pinagdaanan nya noong mga panahong hindi mo sya maalala. I know sobrang syang nasaktan dun pero eto na kayo ngayon oh. Going strong ang family nyo. Kaya wala kang dapat ipag alala." napaisip ako bigla sa mga sinabi ni Abby.
Yun nga ba ang pinag aalala ko?
I shooked my head.
Alam ko sa sarili ko na hindi yun bagay na yun ang tinutukoy ko.
"I trust her so much Abby. Wala akong doubt sa kanya. Ramdam ko kung gaano nya kami kamahal at alam kong wala syang gagawin ikakasira ng pamilya namin." sagot ko sa kanya.
"Eh yun naman pala eh. Ano pang ipinag aalala mo dyan?" tanong nya
"You don't understand Abby. Never ko pinagduduhan si AJ. Dahil alam kong hindi nya kami magagawang lokohin. Yung sinasabi ko kanina. Iba yun. I'm not pertaining to our relationship. I don't understand. Feeling ko kasi parang may hindi magandang mangyayari." hindi pa din mapakaling sabi ko sa kanya.
"You know what? Baka kaya ka lang nagkakaganyan kasi nasa ibang lugar tayo. Wala ka sa bahay nyo kung saan lagi kayong dun iniiwan ni AJ pag naalis. Sa bahay nyo na alam mong safe na safe kayong mag iina. I know this is the first time na maiwan nya kayo sa ibang lugar. But theres nothing to worry about. Kasama mo kami. Pati ng parents mo. Hindi namin kayo pababayaan mag iina."
Maybe she's right. Nanibago nga lang siguro ako na wala sya habang nasa ibang lugar kami. Maybe iniisip ko lang maige yung safety ng mga anak namin.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...