Chapter Twenty One

1.7K 44 0
                                    

AJ POV

"What's the problem dude?" Si Gab. Tinignan ko lamang ito at hindi nagsalita.

Pinuntahan ko kasi sya dito sa Coffee Shop nya. Gusto ko kasi ng makakausap ngayon.

"Wag mo akong tignan ng ganyan AJ. Alam kong may problema ka. Hindi ka basta basta napunta dito. Come on! Spill it!" Sabi nya. Kilala nya talaga ako, alam nya agad na may problema ako.

"Tungkol ba ito kay Reign?" Pahabol na sabi nya.

Tumango naman ako bago nagsalita.

"Ewan ko ba. Parang may mali kasi eh." Maiksing sagot ko.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong nya.

"Sa tingin ko may tinatago sya sa akin." Sabi ko dito habang nakatingin sa labas.

Matagal bago nagsalita uli si Gab.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Unang una kasi ramdam kong umiiwas sya everytime na magtatanong ako tungkol sa family nya. Hindi ko naman hinihiling na ipakilala nya agad ako sa family nya. Naiintindihan ko naman kung hindi pa sya handa eh. Ang akin lang gusto ko sanang kahit magkwento lang sya pero wala eh kahit picture wala syang pinapakita sa akin. Tsaka simula ng maging kami, never ko pa syang nakita or narinig na may kinausap sa family nya." Paliwanag ko dito

"Hayaan mo na lang muna dude. Hintayin mo na lang na kusa syang maging open tungkol sa family nya. Baka may malalim syang dahilan kung bakit hindi nya masabi sa iyo." Komento naman nito.

"Siguro nga may malalim syang dahilan. Pero bukod dun kasi may iba pa akong napapansin eh."

"Ano yun?"

"Malimit syang may international calls. Hindi ko magawang magtanong dahil ayokong isipin nyang masyado akong mahigpit. Hindi na din sya nagpapasundo sa akin. Ayaw ko man pero pumayag na din ako para hindi namin pagtalunan pa.  Then isang araw susuduin ko sana sya ng hindi nya alam pero pagdating ko dun wala na sya. Tinanong ko naman sya nun ang sabi nya lang may pinuntahan lang syang importante pero naulit ng ilang beses yun. Lagi ko lang nakakausap yung ibang kasamahan nya dun ang sabi lang nila maagang umalis si Reign. Sinabihan ko lang sila na wag babanggitin kay Reign na lagi akong napunta dun. Now dude, tell me. Hindi pa ba kaduda duda yung mga yun?" Naramdaman kong tumulo ang luha ko matapos kong sabihin yun pero agad ko ding pinunasan. Ayokong makita nila na mahina ako kahit na nasasaktan na ako.

"Bakit hindi mo sya kausapin? Naiintindihan ko na nasasaktan ka sa ginagawa nya pero dapat kausapin mo sya. Sabihin mo lahat yan para malaman nya at marinig mo rin ang paliwanag nya. Dude ramdam ko. Ramdam kong mahal na mahal ka ni Reign. Kagaya nga ng sabi ko kanina. Maaaring may malalim na dahilan sya. Huwag ka muna mag isip ng kung ano ano, talk to her first." Sabi nya sa akin.

"Hindi ko alam dude. Baka pagbalik ko na lang siguro sya kakausapin."

"Pagbalik?" Takang tanong nya.

"Yup! Pupunta ako sa Palawan 3 weeks ako dun. At bukas na ang alis ko."

"Ang tagal din nun ah. Ano palang reaksyon ni Reign dyan?"

"Hindi nya pa alam." Maikling sagot ko.

"What???" Pasigaw na sabi nya napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito kaya tinignan ko sya ng masama.

"Please lower your voice Gab." Naiinis na sabi ko dito.

"Oh sorry! Naman kasi. Nagulat lang ako. Pasensya na. Anyway, bakit hindi nya pa alam samantalang bukas na alis mo. Paniguradong magugulat yun lalo na 3 weeks kang mawawala."

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon