Reign POV
Pasakay na ako ng kotse ngayon pupunta muna kasi ako sa clothing line ngayon. Buti na lang at nagkataon na wala si AJ nakaalis na kasi sya kaninang madaling araw papuntang Davao, may magagamit akong sasakyan ngayon mahirap pa naman magcommute, bibisitahin ko din kasi ang company ng family namin may konting problema kasi dun hindi kasi natapos yung pinag uusapan namin ng assistant ni daddy noong nagpunta yun last week sa restaurant since wala sya dito ako ang pinuntahan nya yun nga lang nakita sya ni AJ that time at pinagselosan pa. Nagulat talaga ako ng makita ko sya sa labas ng restaurant kaya nagmadali na akong lumabas nun para puntahan sya. Ramdam kong nagselos sya non. Isipin mo yun hindi nya ako kinibo hanggang makarating sa condo. Pero buti na lang at napaliwanagan ko sya at naniwala sya sa alibi ko.
Wala sa sariling napangiti ako ng maalala yun pangyayaring iyon. Ayaw kasing umamin ni AJ na nagseselos sya. At para syang bata nung pinagsasabihan ko. Ang cute lang! Hahaha
Saglit lang akong nanatili sa clothing line at nagpunta na agad ako sa company namin. Agad naman akong sinalubong ng assistant ni daddy.
"Goodmorning ma'am!" Masiglang bati sa akin ng mga empleyado dito. Kilala naman nila ako dito pero bihira talaga akong magpunta dito
Pinag usapan muna namin sa opisina yung problema ng company. Hindi din naman nagtagal ay umalis na din ito. Ipapatawag ko na lang sya pag may kailangan ako.
Kasalukuyan kong binabasa yung mga files na ipinakuha ko kanina para reviewhin ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Dad calling...
Agad kong sinagot iyon.
"Hello dad!" Masiglang bati ko dito.
"Hello iha! Kamusta? Pumunta ka na ba sa company?" Sabi nya. Natawa naman ako dun. Halatang nag aalala pa din sya sa company namin. Masyado kasing hands on si dad pagdating sa business namin. Sa katunayan nga, gusto nyang umuwi agad dito ng mabalitaan nyang may problema dito ngayon buti na lang at nakinig sa akin nung sinabi kong ako munang bahala dito tutal naman ay uuwi na din sila dito next month.
"Ok naman dad! Nandito ako sa opisina mo ngayon dad and don't worry ako na muna ang bahala dito. Just relax dad!" Sabi ko dito.
"Okay. Basta huwag ka masyadong magpagod dyan ah. Hindi mo pa naman kailangan gawin yan eh. Kaya ko pa naman i-manage ang mga business natin. Gusto kong mag enjoy ka muna sa buhay." Hayy naku eto na naman po sya. Yan ang gusto ko sa magulang ko eh, hindi nila ako pinipressure na ihandle agad ang mga business namin unlike sa ibang pamilya na bata pa lang ay tinitrain na at kulang na lang na ikulong sila sa kumpanya nila.
"I can handle it dad. Don't worry." Pagsisigurado ko sa kanya.
"Okay. Don't worry iha next month naman ay nandyan na kami. Can't wait to see you again. Sobrang miss ka na namin ng mommy mo." Nagddrama na naman po si dad. I'm so lucky to have parents like them. Napakasupportive nila at mapagmahal. Kahit na napakabusy nila sa trabaho hindi naman sila nagkulang sa akin.
"Me too dad. Miss ko na din kayo."
"Sige na iha alam kong busy ka ngayon. Tatawag na lang ulit ako sa ibang araw."
"Sige dad."
"Bye iha. Take care of yourself."
"Yes dad. I will. Bye."
Matapos namin mag usap ni dad ay itanabi ko na ang cellphone para magpatuloy sana sa ginagawa ko ng may maalala ako. Nakalimutan ko pa lang banggitin kela dad na huwag muna masyadong tumawag sa akin ngayon. Madalas kasing si AJ ang makakita non. Alam kong nagtataka sya kung bakit may international calls ako lalo na at wala naman akong nababangit na may kamag anak ako sa ibang bansa. Hindi kasi yan palatanong at alam kong naghihintay lang yan na ako mismo ang magsabi sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/105387316-288-k388725.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomansaPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...