Chapter Twenty Seven

1.6K 45 0
                                    

Reign POV

"Sila tita?" Tanong ni Abby ng salubungin ko sya. Dumalaw kasi sya dito para formal na ding sabihan sila mom and dad tungkol sa kasal nila.

"Nasa kwarto pa pero pababa na din." Sagot ko naman.

"Si AJ? Nandito din ba ngayon?" Tanong nya ulit.

"Wala. Duty yun ngayon, bukas pa ang uwi nya kaya dito muna ako matutulog mamayang gabi." Sagot ko naman.

"Can I stay here tonight? Namiss ko na yung bonding natin eh." Sabi nya naman na ikinatuwa ko.

"Sure! Buti naman naisipan mo yan." Masayang sabi ko dito.

Natigil kami sa pag uusap ng marinig namin nagsalita si mommy kaya napalingon kami dito.

"Abby! iha! Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita." Sabi ni mom habang papalapit sa amin kasama si dad.

"Okay naman po tita. Hello po tito." Sabi nya sabay nagbeso kela mommy. Close ang family namin nila Abby kaya ganun na lang ang pakitungo sa kanya nila mommy at daddy.

"Hello din." Nakangiting sagot naman ni dad.

"Buti naman napasyal ka dito." Sabi naman ni mom.

"Namiss ko na po kayo eh tsaka mag sstay po ako dito tonight namiss na po kasi naming magbonding ni Reign." Sagot naman nya.

"Mabuti naman kung ganun at hindi kayo nawawalan ng time sa isa't isa kahit na may mga lovelife na kayo. I heard na bestfriend ni AJ ang girlfriend mo ngayon ah. Tsk! Magbestfriend nga kayo, parehas lumiko pero okay lang yan ang importante masaya kayo." Sabi naman ni dad na ikinatawa namin.

Sabagay totoo nga yung sinabi ni dad. Sino ba kasing mag aakala na ang magbestfriend na mas straight pa sa pole eh parehas ding nabaliko at nagmahal ng kapwa babae na gwapo na magbestfriend din.

"Tama po kayo dyan tito!" Sagot naman nya habang natawa. "Oo nga po pala. Kaya din nga po pala ako nagpunta dito dahil may sasabihin po akong importante sa inyo."

"Ano yun iha?" Tanong naman ni mom.

"Magpapakasal na po ako." Sabi nya na ikinagulat nila mommy.

Nakakagulat naman kasi talaga. Isipin mo yun. Yung dating playgirl ay magpapakasal na agad. Alam din kasi nila mommy ang mga kalokohan nitong si Abby dati.

"Sigurado ka na ba dyan?" Tanong ni dad.

"Yes tito! Sigurado na po ako kay Gab." Masayang sagot nito.

"Mukhang nabago na talaga ng Gab na yun ang dating playgirl ah!" Biro naman ni mommy kaya natawanan kami.

"Oo nga po tita eh. Akalain nyo yun. May nakapagpatino sa akin." Ganting biro din naman ni Abby kaya lalo kaming napatawa.

*****

"So? Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko ng makarating kami sa kwarto ko.

"Dating gawi?" Sagot naman ni agad.

"Okay!" Nakangiting sagot ko saka naglakad papunta sa drawer ko para kunin yung mga dvd ko.

Namiss ko yun ganito.

Gaya ng dati naming ginagawa, nanuod kami ng movies while having chitchats with foods syempre.

Hindi rin nakaligtas na pag usapan namin yung tungkol sa nalalapit nyang kasal.

"Akalain mo yun? Ikakasal ka na? Parang dati lang ang daming mong boyfriends ngayon matatali ka na sa isa. Take note! babae pa." Biro ko sa kanya.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon