Chapter 3

3.7K 118 6
                                    

  So dahil wala na kaming exam at naisipan kong mag-update at trip ko ngayong magsulat. Enjoy mga Angels!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-Trixie's POV-

Nang makarating ako sa bahay ay agad na sumalubong sakin si Achi, she hugged me tightly.

"How was your first day Shobe?" Tanong niya.

"Wala introduce yourself lang, bukas pa daw yung starting of classes." Sabi ko.

"I know you're tired, I baked some cake for you, you want?" Nakangiting tanong niya. Tumango ako at nagpunta sa dining si Achi naman sa kitchen para kunin yung binake niya.

"Here's your cake." At inilapag ito sa harap ko. Umupo naman siya sa harap ko. Nag simula na akong kumain.

"Tumawag si Mommy kanina, sabi niya uuwi daw sila dito next month sa birthday mo." Naexcite naman daw ako bigla.

Next month na kasi yung birthday ko July 24 sana rin ay makauwi si Ahya para complete family kami. Okay lang naman sakin yung walang party, ang gusto ko lang ay yung complete family kami sa mismong birthday ko.

"Really?! Excited na ako." Nakangiting sabi ko.

Nag usap lang kami hanggang sa nag dinner na, matapos naming mag dinner ay umakyat na agad ako sa room ko para maligo at ganun rin si Achi. Pagkatapos kong maligo nag laptop lang ako sandali at natulog na.

~KINABUKASAN~

Bumangon agad ako pagkagising. Naligo lang ako at nagbihis. Bumaba na agad ako pagkatapos kong magbihis. Sakto namang pagbaba ko nakita ko si Manang na naglalagay na ng mga pagkain sa dining table.

"Good morning Manang!" Masiglang bati ko kay Manang.

"Good morning rin Trixie! Gising kana pala? Sakto namang tapos na ako nagluto, maupo kana dito kain kana." Nakangiting sabi ni Manang sakin. Naupo na ako at nagsimulang kumain.

"Manang si Achi nga pala nasan?" Tanong ko kay Manang.

"Maagang umalis si Tanya hija." Sagot ni Manang.

"Saan daw po siya pupunta Manang?"

"Hindi ko nga rin alam Trixie, ang sabi kasi ni Mary sakin kanina ay maagang umalis si Tanya, hindi niya na daw tinanong kung saan pupunta si Tanya." Saan naman kaya pumunta yun?

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Pagkatapos kung kumain ay pumasok ako sa room ko at nagsipilyo. Pagkatapos kung magsipilyo ay nag paalam na ako kay Manang.

"Manang alis na po ako. Pakisabi kay Achi na umalis na ako pag hinanap niya ko." Paalam ko kay Manang.

"Oh sige hija mag ingat ka." Naglakad na ako papuntang kotse ko at nag drive. Wala namang traffic kaya nakarating agad ako sa TMU.

Pagkapasok ko palang sa campus ay nakarinig na naman ako ng mga bulungan.

"Apo pala siya ni Dean? Pero bakit ngayon ko lang siya nakita?"

"Homeschooling daw kasi siya sa China, umuwi lang daw siya dito kasi sinamahan niya daw yung Ate niya. Pero gusto niya daw na dito mag-aral kaya andito siya ngayon"

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon