-Alexa POV-
Sunday morning ngayon at maaga akong nagising kasi inaya ako ni Trixie na magsisimba daw kami. Kasama daw yung buong barkada.
Total tapos na naman akong maligo at magbihis, bumaba na lang ako dahil nagugutom na ako.
"Good morning Baby. Maaga ka yatang nagising ngayon?" Mommy.
"Good morning din Mom. Magsisimba daw kasi kami sabi ni Trixie kasama yung buong barkada." Sabi ko habang paupo sa upuan.
"Bilisan mo na at baka malate pa kayo sa mass." Sabi ni Mommy at nilagyan na ako ng mga ulam sa pinggan. Hindi na lang ako sumagot at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kung kumain ay dumiretso na ako sa simbahan, dun na lang daw kasi kami magkikita.
Pagkarating ko dun, andun na si Adrian, Ethan, Ranz at Drake, pero wala pa si Trixie. Buti nga at hindi pa nagsisimula yung mass.
Lumapit na ako sa kanila. "Oh asan si Trixie? Siya yung nag aya pero wala pa siya dito." Tanong ko kay Drake.
Magsasalita pa sana ako kaso nakita ko na yung sasakyan ni Trixie, bumaba na siya kasama si Nichole?!
Andito pala si Nichole?
Sasabihin ko na sana na dumating na sila kaso sinenyasan ako ni Trixie na wag sabihin sa kanila na kasama niya si Nichole at tinuro pa niya si Adrian. Kaya tinikom ko ulit yung bibig ko.
"Malalate lang daw siya ng konti kasi hinihintay pa niya yung kasama niya." Tiningnan ko si Drake. Parang alam niya yung nangyayari.
"May kasama pa pala siyang iba? Akala ko ba tayong barkada lang?" Tanong naman ni Adrian.
"Sorry natagalan ako ng konti. Hinihintay ko pa kasi yung kasama ko eh." Napatingin kaming lahat sa nagsalita, si Trixie na pala. Pero bakit 'di niya kasama si Nichole?
"May kasama ka? Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ni Adrian.
"Huh? Ano kasi.. Ano ahm.. Gusto niya kasing umupo sa harapan kaya andun siya sa harap." Nauutal na sabi niya. Andito kasi kami nakaupo sa may bandang likod na.
"Dun na lang tayo umupo sa harap, para naman may kasama siya." Sabi naman ni Ethan.
"A-ah wala n-na kasing mauupuan sa h-harap, dito na lang t-tayo." Kinakabahang sagot niya.
Hindi na lang sila nagsalita at na upo na lang. Tiningnan ko si Ranz at alam kong awkward sa kanya 'to dahil sa pagtatapat niya kay Trixie.
Alam ko, kasi ako yung tinawagan ni Ranz pagkatapos niyang magtapat kay Trixie.
Flashback...
Matutulog na sana ako kaso nag ring yung phone ko, may tumatawag. Pagtingin ko si Ranz pala.
"Hello? May oras kaba ngayon?" Tanong niya.
"Oo naman." Sagot ko.
"Pwede ko bang mahiram yung oras mo? Kahit ilang oras lang, may masabihan lang ako ng problema ko." Ano kayang problema nito?
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...