-Trixie's POV-
Nagising ako dahil parang may mabigat na gamit na nakapatong sa binti ko. Pagmulat ko napabalikwas agad ako dahil magkayakapan na kami ni Drake. Pati rin siya nagulat.
Tumayo agad ako at dumiritso sa banyo, hindi ko na siya hinintay na bumangon pa.
Dahil nasa banyo na naman ako ay nag bihis na lang ako. Sinuot ko yung two piece na nilagay ni Nichole sa bag ko, kahit labag sa loob ko ay sinuot ko na lang dahil kukulitin niya talaga akong isuot yun.
Black na two piece yung suot ko dahil yun yung pinili ni Nichole. Tiningnan ko naman yung sarili ko sa salamin.
Nakakahiya namam tong suot ko. Bakit pa kasi ito yung pinili ni Nichole.
Nagsuot na muna ako ng shorts at sleeveless para di makita yung katawan ko.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako. Nakita kong napatitig siya sakin, pero di ko na yun pinansin.
"Una na ko, sunod ka na lang." Sabj ko at lumabas na, hindi ko na siya hinintay na makasagot pa.
Bumaba na ko at dumiritso sa lobby. Si Adrian at Ethan pa yung andun.
"Asan sila?" Patukoy ko sa mga girlfriend nila.
"Nagbibihis pa. Si Drake?" Tanong ni Ethan.
"Nagbibihis na siguro, nakaupo pa kasi siya nung paglabas ko." Sagot ko. "Anong oras pala makakarating sila Joshua at Daniel?" Pag-iiba ko ng usapan. As much as possible ay ayokong mapag-usapan namin si Drake.
"Dumating na sila kanina pa, hindi ba sila pumunta sa kwarto ninyo?" Tanong ni Adrian.
"Hindi, wala naman akong narinig na katok eh." Sagot ko.
"Pababa na rin siguro yung mga yun, nagbibihis lang siguro." Sabi ni Adrian.
Napatingin naman si Ethan sa likod ko. "Oh, andito na pala silang lahat eh." Sabi niya kaya napatalikod kami ni Adrian.
Tama nga si Ethan, sabay pala silang lahat bumaba.
Agad namang lumapit sakin si Nichole. "Sinuot mo ba couz?" Tanong niya.
"Kailangan ko pa bang suotin yun couz? Pwede namang shorts na lang." Tanong ko.
"Kailangan couz. Wag kang mag-alala, bagay naman sayo. Sexy ka kaya." Sagot niya.
"Ayoko nga couz, nakakahiya." Nakangusong sabi ko.
"Anong nakakahiya? Tingnan mo nga yung mga babae sa labas, lahat naka two piece." Turo niya sa mga tao sa labas.
"Eh dapat ba naka two piece din ako?" Sarkastikong tanong ko.
"Wag ka ng magreklamo pa couz. Tara na, iniwan na nila tayo." Hinila na niya ako palabas. Nauna na kasi silang lumabas.
Wala na akong magawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Hindi rin naman masamang subukan ko diba? Kahit ngayon lang.
Lumapit na ko sa kanila. Naupo muna sila sa cottage dahil medyo mainit pa, hindi pa bumababa yung araw.
"Bes! Dito." Turo ni Alexa sa tabi niya kaya doon ako naupo.
Sa kasamaang palad ay doon din pala nakaupo si Drake, di ko siya nakita kanina dahil umalis siya, ngayon lang bumalik.
Tumayo na ko para lumipat sana ng mauupuan pero wala ng bakante, kaya wala na akong magawa kundi ang umupo na lang. Umusog na lang ako palapit kay Alexa para may konting space na namamagitan sa amin.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...