-Trixie's POV-
Pagkatapos na naming kumain nagprisinta yung mga boys na sila na daw yung maghuhugas ng mga pinggan para naman daw makapagpahinga si Manang.
"Cous, pwede ba kitang maka-usap?" Tanong ko.
"Oo naman. Kinakausap mo na nga ako ngayon." Biro niya. Tumawa na lang ako. Nauna na akong pumanik, nakasunod lang siya.
Pumasok kami sa isa sa mga guest room kung saan ang mga girls naka-tambay ngayon. Tinext ko na rin si Drake na sa game room na lang muna sila dahil may pag-uusapan pa kaming mga girls, pumayag naman sila.
Nagulat siya dahil pag pasok namin, andun din yung mga girls.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya. Tumingin lang ako kay Patricia at tumango.
"Kailangan mong sumama bukas." Panimula ni Patricia. Naguguluhan namang napatingin si Nichole samin.
"Ayoko nga." Sagot niya.
"Sige Nichole mamili ka, sasama ka samin o sasama ka?" Seryosong tanong ni Alexa.
"Ayoko." Matigas na sabi niya.
"Ayaw mo lang sumama samin dahil nagui-guilty ka sa sinabi mo. Alam nating lahat dito na mahal mo si Adrian dahil nakikita namin yun sa mga mata niya. At alam din naming mahal ka rin ni Adrian, dahil nakita namin kung paano siya mag-alala sayo." Sabi naman ni Aliyah.
"Hindi niya 'ko mahal. Sige sabihin nating mahal niya 'ko, mahal niya lang ako dahil kamukha ko yung Vanessa na yun. Nakita niyo naman siguro sa picture na ang saya saya nila, naka-akbay pa si Adrian sa kanya. Ginawa niya lang akong panakip-butas." Naiiyak na sabi niya.
"Nichole maupo ka muna dun." Turo ko sa upuan na nasa harap ko. Umupo naman siya. "Ilang beses mo ng sinabi na tanggap mo na hindi na magiging kayo. Dahil hindi ka naman niya nililigawan. Hindi siya yung lalaki na kailangan mo sa buhay mo. But Nic, you really never let go. You tell me you're looking for a responsible, faithful, and kind man. Everything that Adrian is not. But I think, this is what you hope Adrian could be. Naniniwala ka na kaya niyang magbago. Yes, nakita natin na may nagbago sa kanya simula nung nakita ka niya. Pero Nic, pano kung hindi pa pala? Pano kung ayaw niyang magbago. But don't get me wrong. I mean, I love Adrian. He's my friend too. He has his moments, but, I think you're holding on to moments. You're holding on to your idea of who you want Adrian to be."
"Nichole mahal ka niya, dahil nakikita namin lahat yun. Pinaparamdam niya yun sa'yo. Pero nung makita mo yung litrato nag-iba ka na agad. Nic, hindi natin alam ang kwento nila. Baka hindi naman pala talaga gusto ni Adrian si Vanessa at napilitan lang siyang ngumiti sa picture na yun." Pamlapalas loob na sabi namin sa kanya.
"Anong magagawa ko? Eh nasaktan ko na siya." Umiiyak na sabi niya.
"All you have to do is to talk to him. Yun lang ang paraan para magka-ayos kayo." Sabi naman ni Aliyah. Sumang-ayon naman kaming lahat.
"Sige na magbihis na kayo, pupunta na tayong mall, puntahan ko lang yung boys sa taas." Bago ako lumabas may sinabi muna ako kay Nichole. "Pag-isipan mong mabuti lahat ng sasabihin mo, cous." Sabi ko at tuluyan ng lumabas.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...