Chapter 30

1.4K 53 1
                                    

-Trixie's POV-

Maaga akong nagising dahil ipagluluto ko si Audrey ng agahan. Hindi kasi siya nag kakanin sa umaga. Yung kanya waffles or pancake, kaya ipagluluto ko siya ng pancake.

Isa yun sa namana niya kay Drake. Ang mahilig sa pancake at waffles pag breakfast. Kaya nga nung nasa France pa kami at palagi ko siyang pinagluluto ng pancakes at waffles ay naiisip ko din si Drake.

"Ang aga mo yatang nagising anak?" Salubong na tanong sakin ni Manang.

"Ipagluluto ko po kasi si Audrey ng agahan niya, hindi kasi siya sanay sa kanin pag umaga eh." Sabi ko at nagsimula ng maghalungkat.

"Eh ikaw anong kakainin mo?" Tanong ni Manang habang tinitulungan ako sa pag mix.

"Kahit ano lang Manang basta luto mo." Sagot ko.

"Ikaw talagang bata ka." Sabi ni Manang kaya natawa ako.

Pareho kaming busy sa pagluluto ni Manang ng pumasok si Audrey sa kusina.

"Good morning Manang." Bati niya kay Manang

"Good morning din anak." Bati pabalik ni Manang.

Sunod naman lumapit si Audrey sa akin at yumakap sa bewang ko. Haggang bewang ko pa kasi si Audrey.

"Good morning Mommy." Bati niya sabay yakap.

"Good morning din baby." Bati ko din pabalik.

"What are you cooking po Mom?" Tanong habang tumitingin sa niluluto ko.

"Pancakes." Sagot ko.

"Yay pancakes! Pancakes! Pancakes!" Masayang usal niya. Umupo agad siya sa upuan at parang batang nakatutok lang sa niluto ko.

Nung natapos ko ng lutuin ay inilagay ko na sa harapan niya. Nilagyan ko muna ng honey at butter kasi yun yung paborito niya. Sunod namang nilagay ni Manang yung niluto niyang ulam para sa akin.

"Manang sabayan mo na kami." Aya ko kay Manang.

"Wag na anak. Kakatapos lang din namin kumain." Sagot niya.

"Manang sila Nichole tulog pa?" Tanong ko.

"Tulog na tulog iha. Madaling araw na yata silang natulog." Sagot ni Manang kaya napailing na lang ako.

"Manang pag hinanap kami, pakisabi pinuntahan ko lang si Achi." Tumango lang si Manang.

"Maiwan ko na muna kayo dito ah. May gagawin pa ako. Pagtapos niyong kumain iwan niyo na lang dito yung mga pinggan, lilinisin ko lang pagkatapos." Sabi niya.

"Wag na Manag. Ako ng magliligpit dito." Pigil ko sa kanya.

"Sige iha." Sabi niya at umalis na.

"Mommy where are we going po?" Tanong ni Audrey habang kumakain pa rin.

"To your Tito Tristan's mall." Sagot ko.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon