Chapter 27

1.4K 50 0
                                    

-Third Person's POV-

Busy sa mansyon nila Aliyah ngayon dahil naghahanda sila para sa party na ilang oras na lang ay magsisimula na. May konting celebrasyon sila mamaya dahil pasko na.

Lahat ng barkada ay busy dahil inaayos na nila ang kanilang mga regalo sa isa't-isa.

Yung mga mommy naman ay busy sa paghahanda ng pagkain na kakainin nila mamaya.

Yung mga daddy naman ay andun sa garden at nag luluto na ng barbeque. Lahay sila ay handa na, yung pagkain na lang ang kulang.

Nang maihanda na nilang lahat yung pagkain ay nagsimula na ang kanilang celebrasyon. Kumain muna silang lahat bago magbigayan ng regalo.

"Exchanging gift na!" Excited na sigaw ni Adrian.

"Sige. Sinong mauuna?" Tanong ni Nichole.

"Ako." Taas kamay na sabi ni Trixie.

"Sige ikaw na mauna bes. Pero dapat may mensahe ka kada-isa sa amin." Sabi ni Alexa.

"Okay." Sagot ni Trixie at kinuha na ang kanyang mga ireregalo. "Ito para sayo, Mom, Dad. Sana makakasama ko kayo sa susunod na pasko. Merry Christmas and I love you." Sabi ni Trixie at niyakap na ang kanyang Mommy at Daddy.

"Thank you Trixie. We love you more." Sagot ng Mommy ni Trixie.

"Ito naman para sa inyo Tita, Tito." Binigyan niya ng regalo yung magulang ng mga barkada niya. "Sana sa susunod na pasko ay magkakasama pa rin tayo. Merry Christmas po."

"Salamat iha." Pasalamat nila.

"Oh ito sa inyo. Merry Christmas." Bigay niya sa barkada except kay Drake.

"Wow salamat Trixie." Sabay na sabi nila.

"Teka, walang para kay Drake?" Tanong ni Patricia.

Ngumiti naman si Trixie. "Syempre meron. Para sayo babe. Merry Christmas."

Napangiti naman si Drake. "Thank you babe. I love you."

"Sweet." Tukso ng mga magulang nila kaya namula si Trixie.

Sumunod naman yung iba na magbigay ng mga regalo. Hanggang sa lumalim yung gabi ay nagkakasiyahan pa rin sila. Hindi na nila namalayan na madaling araw na pala kaya inaya na nila ang isa't-isa na magpahinga na.

-Trixie's POV-

Nagising ako dahil parang hinahalukay yung tyan ko, napatakbo agad ako sa banyo dahil parang masusuka ako.

Pagkatapos kong sumuka ay kumalam yung tyan ko at parang gusto kong kumain ng mangga.

Naalala kong may dala pala ako mangga at bagoong at dinala ito sa baba.

"Ate? Pwede paluto ako nitong bagoong?" Tanong ko sa isa sa mga katulong nila Aliyah.

"Sige po maam. Pahintay na lang ako, magluluto lang po ako." Sabi niya at hinanda na yung frying pan.

"Pahirap na rin po ako ng kutsilyo ate."

"Ako na po yung maghihiwa maam, pakilagay na lang po yung mangga dyan sa mesa. Mabilis lang po to maam. Maupo ka na lang po muna dun." Sabi niya sabay turo sa mesa.

"Salamat po ate." Ngumiti lang siya at nagsimula ng magluto.

Nang matapos niya itong lutuin at mahiwa yung mangga ay nilagay na niya sa mesa.

"Maam hindi po ba kayo kakain ng kanin? Yan lang po ba yung kakainin niyo?" Tanong niya.

"Ito lang yung kakainin ko ate. Ito lang kasi yung gusto kong kainin eh." Sagot ko at nagsimula ng kumain. Ang sarap. This is heaven.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon