Natigilan ako sa pag-aayos dahil pumasok na sila. Ibinaba ko muna yung maleta ko at nilagay sa tabi ng kama ko.
"Trixie nag iimpake ka? Bakit? Sa 28 pa yung uwi natin ah, 27 pa lang bukas." Tanong agad ni Adrian nung pag pasok niya.
"Kailangan eh." Yun na lang yung nasagot ko.
"Bakit?" Tanong naman ni Ranz.
Napatingin ako sa mga babae. Tumango lang sila. "Sabihin mo na."
Naguguluhan namang napatingin sakin yung mga lalake. "May dapat ba kaming malaman Trixie?" Tanong ni Ethan.
"Oo nga. At bakit di pwedeng isama si Drake sa usapan na to?" Tanong na naman ni Adrian.
"I'm pregnant. At ayokong malaman niya. Kaya ko kayo pinatawag dito kasi kakailanganin ko yung tulong niyo." Nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko. Agad agad namang lumapit sakin si Alexa at hinagod yung balikat ko.
"Buntis ka?" Di makapaniwalang tanong ni Ethan.
"Oo. At kakailanganin ko yung tulong niyo." Sabi ko. "Wag na wag niyo sanang ipaalam to kay Drake. Ayokong maging sagabal sa mga pangarap niya. Bukas ng umaga yung alis ko, gusto ko sana sa pag-alis ko ay tulog pa si Drake para di niya ko makita." Sabi ko sa kanila.
"Sigurado ka na ba dyan Trixie? Mahirap maging single mom." Sabi ni Ranz.
"Oo alam kong mahirap. Pero kakayanin ko para sa anak ko." Sagot ko.
"Wala ka ba talagang balak sabihin to sa kanya?" Tanong ni Aliyah.
"Ayokong maging sagabal sa buhay niya. Gusto ko siyang makapagtapos ng pag-aaral. Ayokong mahirapan siya." Malungkot na sagot ko.
"Eh ikaw naman ang mahihirapan niyan bes." Sabi naman ni Alexa.
"Mas okay na siguro na ako yung mahirapan. Kasalanan ko naman to eh. Atsaka mahal ko siya, kaya mas pipiliin ko na lang na ako ang mahirapan kesa siya."
"Pero alam nating lahat na masasaktan din si Drake." Sabat naman ni Ethan.
"Alam kong masasaktan ko na naman siya dahil pangalawang beses ko na siyang iiwanan. Tatanggapin ko kung magagalit siya sakin, tatanggapin ko kung ayaw na niya sakin, at tatanggapin ko kung hindi na niya ako mahalin." Pumiyok na yung boses ko di ko namalayan umiiyak na naman ako.
"Wag ka ng umiiyak Trixie. Masama yan para sa bata." Yakap sakin ni Faith, pero mas umiyak lang ako ng umiyak.
"Sige Trixie handa kaming tumulong. Anong gagawin namin?" Nakangiting tanong ni Adrian.
"Gusto ko sana mamayang gabi eh pagurin niyo siya para makakatulog siya ng mahimbing at hindi niya makita ang pag alis ko."
"Sige. Kami ng bahala sa kanya." Sagot nila.
"Thank you." Lumapit naman sila sakin at yumakap. Pero kumalas din agad ng ilang mga segundo.
"Sige na Trixie ipagpatuloy mo na yung pag iimpake mo. Pagkatapos mong mag-ayos ay magpahinga ka. Ang dami mong naiyak ngayon, masama yan para sa inaanak ko. Pag may kailangan ka, sa baba lang kami." Sabi ni Patricia.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...