Chapter 14

2.3K 60 0
                                    

-Trixie's POV-

"Let's all welcome your new classmate, Maxine Gomez." Si Maxine? Siya yung bagong kaklase namin?

Nagkatinginan kaming dalawa ni Alexa, medyo awkward pa sakin si Maxine kasi nga sa nangyari na akala ko si Drake yun.

Okay na rin kami ni Drake, nagpaliwanag na siya sakin. Limang araw narin yung nakalipas simula nung huling pag-uusap namin sa ospital.

Pagkauwi ko, hindi na muna ako pinapasok nila Mommy. Ang sabi kasi ng Doctor ay magpahinga muna ako.

"Trixie! Alexa!" Nasa harapan ko na pala si Maxine, hindi ko napansin.

"Oh Maxine, kumusta?" Tanong ko. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ni Alexa, napapagitnaan namin si Alexa.

"Okay lang, ikaw? I heard naalala mo na lahat?" Tanong niya. How did she know?

"Pano mo nalaman?" Bigla namang nanlaki yung mata niya.

"K-kasi nafefeel kong n-naalala mo na l-lahat." Hmm weird. May binubulong siya pero di ko na narinig. Di ko nalang pinansin at nakinig nalang kay Miss.

50 minutes passed at sa wakas break narin. Nagsilabasan na yung mga kaklase ko, kami nalang ni Maxine at Alexa yung natitira.

"Punta tayong tambayan?" Boses yata yun ni Ethan. Pag angat ko, tama nga ako at si Ethan yung nag-aya. Kompleto silang lahat.

Napatingin ako kay Adrian ng bigla itong bumuntong hininga, siguro namimiss na niya si Nichole. Bumalik na kasi sa America si Nichole kahapon, kaya ayan si Adrian parang pinagsuklaban ng langit at lupa.

"Ba't parang ang laki ng problema mo, bro?" Natatawang pang-aasar ni Ethan kay Adrian.

"Shut up!" Sigaw ni Adrian.

"Woah. Okay okay, relax bro, chill. Babalik din naman yun." Paglalakas loob ni Ethan, hahaha bumabawi.

"Maxine, andito kana pala? Kailan kapa nakabalik?" Tanong ni Ranz, hindi pala nito napansin ni Maxine. Napatingin naman ako kay Drake na nakatingin din pala sakin.

"Nung Tuesday pa." Sagot niya.

"Sa tambayan nalang tayo mag-usap." Singit ni Ranz.

"Sige tara." Tumayo na kaming lahat at naglakad papuntang tambayan. Pag dating namin kami lang yung tao, except sa mga nagbabantay sa mga stall dun.

"Trixie pwede ba kitang maka-usap?" Tanong ni Drake. Siguro kailangan din naming mag-usap.

"Ah sige. Dun tayo." Turo ko sa upuang malayo sa mga kaibigan namin. Pagka-upo namun nag tanong agad ako. "Ano nga palang pag-uusapan natin?"

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa lahat ng mga nangyari." Nakayukong sabi niya. Hinawakan ko naman yung kamay niya.

"Drake wala kang kasalanan. Hindi naman ikaw yung kahalikan ni Maxine." Sabi ko habang hawak hawak parin yung kamay niya.

"But still I'm sorry. Kung di ko siya pinapunta sana hindi yun nangyari sa'yo." Patuloy niya.

"Nangyari na Drake, wala na tayong magagawa." Natigilan ako dahil may biglang tumulo na tubig sa kamay ko. Umiiyak ba siya? "Drake umiiyak kaba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Trixie mahal parin kita. At kahit kailan hindi ka nawala dito." Turo niya sa dibdib niya. "Sa puso ko."

"Drake?" Pinunasan ko yung mga luhang tumutulo sa mukha niya. Hindi siya nakinig at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon