Chapter 13

2.2K 69 1
                                    

-Nichole's POV-

"Nichole" Napalingon ako sa tumawag sakin.

"Oh Tita andito na pala kayo?" Sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad.

"Asan siya?" Tanong ni Tita.

"Nasa room 132 po Tita." Sagot ko.

"Kamusta na siya?" Nag-aalalang tanong.

"Okay na po Tita, nagpapahinga na po siya."

"Si Tito po ba asan?" Tanong ko. Hindi ko kasi nakita si Tito pag pasok ni Tita eh.

"Susunod na daw sila, sinundo niya lang yung dalawa, nauna na ako dito. I came as soon as I heard." Sagot niya. "Ano ba kasing nangyari? Ano ba kasing ginagawa niyo dun?" Patuloy niya.

"Nag punta po kaming El Nido at doon natulog sa rest house namin, nag laro lang kami ng truth or dare, nung malapit ng matapos yung laro bigla po siyang nahimatay. Hindi po namin alam kong anong gagawin namin kasi hindi siya nagigising kaya tinawagan po namin si Tito." Paliwanag ko.

Bigla na lang kasing nahimatay si Trixie nung naglalaro kami. Natatakot na kami kasi hindi talaga siya nagigising kaya tinawagan nalang namin si Tito at sinabi sa kanya yung nangyari. Pinadala niya kaagad yung chopper nila Trixie at sinundo kaming lahat para dalhin siya sa ospital.

"Mom. Nichole" Tawag ni Ate Tanya samin ni Tita. "Asan si Trixie?" Nag-aalalang tanong niya, kasunod niya lang si Tito at si Kuya Tristan.

"Nasa kwarto na po Ate." Nakarating na kami si kwarto ni Trixie at agad silang lumapit dito.

Tulog parin siya hanggang ngayon, sabi ng doctor magigising na daw siya bukas. Dahil siguro sa kalasingan niya hindi pa siya nagigising hanggang ngayon.

-Trixie's POV-

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko, hindi ako halos makagalaw. Pinalibot ko yung mata ko at nakita ko yung mga kaibigan kong natutulog pati na rin sila Mommy.

'Nasan ako? Hindi ko 'to kwarto. Hospital to ah, bakit ako nandito? Uggh ang sakit ng katawan ko.'

"Mom" Namamaos kung tawag.

"Trixie? Oh God. Thank God you're awake." Sigaw ni Mommy kaya nagising yung mga kasama ko.

"Trixie gising kana." Sigaw ni Alexa. Isa pa to.

"How are you Princess?" Nag-aalalang tanong ni Dad.

"Pinag-alala mo kami shobe." Sabi naman ni Ahya. Si Achi naman nasa tabi ko at hinahaplos yung buhok ko.

How lucky am I to have a family like them and a friends who's always with me in my bad times and good times.

"I'm sorry." Sabi ko nalang. "Bakit ako nandito?" Tanong ko. Tumingin silang lahat kay Alexa.

"Naglalaro lang tayo ng nawalan ka bigla ng malay, gising kami ng gising sayo pero hindi ka nagigising, kaya naisipan nalang namin na tawagan si Tito." Bakit ako biglang nawalan ng malay.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng may pumasok. It's him, siya yung nanloko sakin. Naalala ko na naman yung mga ginawa niya kaya napaiyak ako.

"Trixie bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya. After what he did? May gana pa siyang tanungin ako.

"Bakit ka nandito?" Cold na tanong ko.

"Trixie ano-" Hindi ko na siya pinatapos.

"I said bakit ka nandito?!" Hindi ko na napigilang sumigaw.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon