Chapter 12

2.3K 66 0
                                        

-Trixie's POV-

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Pagtingin ko sa kanila tulog pa silag lahat, kaya bumaba na muna ako para tingnan kung may almusal na ba para makakain na kami.

"Good morning maam Trixie." Bati sakin ni Ate Rosy.

"Good morning din po Ate Rosy. Nakahanda na po ba yung almusal namin?" Tanong ko.

"Upo maam nakahanda na po, kakain na po ba kayo? Ihahanda ko na po." Sabi niya.

"Paki handa na po Ate Rosy gigisingin ko lang sila. Salamat po." Sabi ko at umakyat ulit sa taas.

Pagpasok ko tulog pa rin sila. Gigisingin ko na sana si Drake kaso may nakita akong papel na nabitawan niya at nahulog sa sahig. Ibabalik ko na sana kaso nacurious ako kaya binasa ko.

Siguro sa girlfriend niya 'to. Ang lungkot naman, wala na ba yung girlfriend niya? Kawawa naman siya, kaya pala ganyan yung attitude niya kasi sa mga pinagdadaanan niya. Binalik ko na yung papel at isa isa na silang ginising.

"Gising na guys, kakain na. Pinahanda ko na kay Ate Rosy yung almusal natin, baba na kayo at baka lumamig pa yun." Bumangon na silang lahat at binati ako, binati ko rin sila pabalik.

Pagtingin ko kay Drake namumugto yung mata niya. Umiiyak ba siya? Siguro dahil sa letter na yun. Siguro namimiss na niya yung girlfriend niya.

Bumaba na kaming lahat at nagsimulang kumain. Nagtataka ako kasi may mga eyebags sila Alexa, Ranz at Drake eh wala namang mga eyebags yan.

"Bakit may eyebags na kayong tatlo?" Tanong ko sa kanila dahilan para mapatingin silang tatlo sakin at napatingin naman yung iba sa kanila.

"Ah ano.. Ahmm ano hindi kasi ako makatulog kagabi kaya lumabas muna ako. Oo tama hindi ako makatulog kagabi." Sabi ni Alexa. Kay Ranz naman ako tumingin.

"Ganun rin ako hindi rin ako makatulog kagabi." Sagot rin ni Ranz. Tumingin ako kay Drake.

"Namimiss ko na kasi yung pinakamamahal kong babae. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko siya." Malungkot na sabi niya, naluluha ata siya.

"Drake/Bro." Sabay na tawag nila Alexa at Ranz.

"I know. I'm sorry." Sabi ni Drake at pinunasan yung mga luhang tumulo sa mata niya at nagpatuloy sa pagkain. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit parang alam nila yung nangyayari kay Drake?

"San tayo ngayon?" Biglang tanong ni Patricia.

"Punta tayong El Nido mamaya." Nakangiting sabi ko kaya natuwa silang lahat.

Pupunta kaming El Nido pagkatapos naming maglunch, may tour guide na pinadala si Achi para daw ma tour namin yung Palawan kaya sisimulan na namin sa El Nido.

Pagsapit ng tanghalian ay kumain na agad kami para mahaba haba yung oras namin sa El Nido. Naisipan rin namin na doon muna matulog, may rest house naman dun sila Nichole. Baka kasi gabi na kami makauwi, delikado na kasi gabi na.

Pagkatapos namin kumain ay sumakay na agad kami sa yate, bigay daw 'to ni Angkong kila Mommy at Daddy nung kasal nila. Pinagamit lang ni Daddy samin in case na may pupuntahan daw kami.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon