-Trixie's POV-
Nagising ako dahil parang may humahalukay sa tiyan ko kaya napatakbo agad ako sa cr at sumuka. Matagal muna bago ito natapos. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nagkakaganito?
Lumabas ako ng cr, tulog pa din sila. Kumuha na muna ako ng damit sa maleta ko at naligo. Naalala ko na hindi pala ako nakaligo kagabi dahil nakatulog ko sa sasakyan nang pauwi na kami dito kagabi. Pumasok na ako sa cr at naligo. Pagkatapos kung maligo ay tulog pa din sila. Napatingin ako sa cellphone ko dahil bigla itong tumunog, pagtingin ko text pala ni Drake.
From: Babe
Babe pag gising ka na, bumaba ka na dito, andito na kami sa dining room. Alam kong nagugutom ka na kasi konti lang yung kinain mo kagabi. Lika na dito. Goodmorning. I love you.As if on cue naman ay kumulo na yung tiyan ko. Hindi ko na nireplyan pa si Drake at bumaba na agad ako. Pagkarating ko sa dining ay andun na sila Tita at Tito, kami pa lang dalawa ni Drake yung gising sa barkada.
"Goodmorning Mom, Dad, Tito, Tita." Tingin ko sa kanila. Huli naman akong napatingin kay Drake na nakangiti na sakin kaya nginitian ko rin siya. Sa kanya ako tumabi ng upo. "Goodmorning babe." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Goodmorning din babe. Kain ka na. Ano gusto mong kainin?" Tanong niya habang nilalagyan ako ng bacon sa plato, alam kasi niyang paborito ko yung bacon.
"Hindi pa ba natin hihintayin yung iba?" Tanong ko. Patukoy ko sa barkada.
"Babe kailangan mong kumain dahil konti lang yung kinain mo kagabi. Wag kang mag-alala dahil pagkakain na sila ay kakain na naman tayo." Sabi niya kaya natawa ako. Kumain na lang ako dahil sa totoo lang at nagugutom na din ako. Kanina pa kumukulo yung tiyan ko, yung mga bulati dito sa tiyan ko ay kanina pa nag-aaway.
"Alexa baby upo ka na dito. Kain ka na, sumabay ka na samin." Sabi ni Tita Andrea. Napatingin naman ako sa pinto, nakita ko si Alexa nakatayo, nakaligo na rin siya. Bumati muna siya bago umupo sa tabi ko.
"Goodmorning sissy." Bati niya sakin
"Goodmorning din sissy." Bati ko mapabalik.
"Mamamasyal pala tayo mamaya Trix." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Talaga? Bat di ko alam yan?" Tanong ko.
"Tulog ka na kasi eh, hindi ka na namin ginising. Kagabi pa lang namin naisip yun, bibili lang tayo ng Christmas gift." Sabi niya at kumain na ulit. Tumango lang ako at kumain na rin ulit.
Habang kumakain ako, naalala kung may nilagay pala akong mangga at bagoong sa bag ko. Kakainin ko yun mamaya pag uwi namin galing sa mall.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumaba na rin silang lahat. Mga nakaligo na at nakabihis, pagkatapos siguro namin kumain ay pupunta na kami agad sa mall. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit bago pumunta sa mall.
Pagkarating namin sa mall ay naisipan naming maghiwalay ng direksyon para naman makabili kami ng mga regalo. Ayaw pa nga humiwalay ni Drake eh, gusto niya kasama ako, kaso pinilit ko nang humiwalay sakin, humiwalay nga siya pero pinasama niya sakin yung dalawang body guards. Kahiya tuloy maglibot libot ngayon dahil nasa akin yung mga mata ng lahat dahil yung mga body guards ay naka attire talaga.
Nauna akong pumasok sa mga bilihan ng mga rubber shoes. Naisip kong rubber shoes na lang yung ibibigay ko. Magagamit pa nila pag basketball kasi mahilig silang apat mag basketball eh.
"Yes maam how may I help you?" Tanong ng sales lady na lumapit sakin.
"Ahm can I have a four pairs of rubber shoes?" Nakangiting sagot ko.
"What kind of rubber shoes maam?" Tanong niya. Napaisip naman ako. Ano nga bang magandang rubber shoes?
"Do you have Air Jordan?" Tanong ko.
"Ah yes maam. We have Air Jordan XI, Air Jordan III, Air Jordan VI and Air Jordan V." Tinuro turo niya pa yung mga sapatos. Tamang tama apat sila.
"I'll take it." Sabi ko. Mabilis naman siyang kumilos at kinuha na yung mga sapatos.
Nang matapos niyang ilagay sa mga box nito ay lumapit na siya sa counter. Sumunod na din ako dahil magbabayad na ako. Yung guards na yung humawak sa mga pinabili ko dahil mabigat pala sila. Hindi ko kayang bihatin lahat.
Sunod naman akong pumasok sa store na may mga sandals. Heels na lang yung ibibigay ko kay Nichole dahil yun talaga yung gusto niya. Mahilig kasi yun sa mga sandals. May nakangiti namang sales lady na lumapit sakin.
"Can I have a pair of lucite clear ankle strap high heel." Sabi ko. Tumango naman siya at hinanap yung sinabi ko. Umupo naman ako sa may upuan nila dito. Mahilig din naman ako sa mga sandals pero hindi gaano, hindi katulad nitong si Nichole na pag pasok mo sa closet niya eh yung mga sandals niya agad yung makikita mo.
"Here you go maam." Lumapit na 'ko sa counter at binayaran na iyon. Kinuha na ng guard yung binili ko, kahit okay lang naman sakin na ako na yung magdala kasi hindi naman mabigat, still kinuha pa rin nila.
Sunod naman akong pumasok sa mga bags. Alam kong yun yung gusto ni Alexa kaya yun na lang yung ireregalo ko sa kanya. Pagkatapos kung bayaran ay sumunod naman ako sa mga camera, yun na lang yung ibibigay ko kay Aliyah dahil alam kong magagamit niya yun. Sumunod naman sa mga bracelet para kay Patricia, mahilig kasi yun sa mga accessories kaya bracelet na lang. Huli akong pumasok sa wallet store para kay Faith, mahilig din yun sa wallet. Pagkatapos kung bilhin lahat ay sinabihan ko yung guard na ilagay muna sa sasakyan para hindi nila makita. Sakto namang pagkatapos kong bumili ay tumawag si Drake.
"Babe?" Sagot ko sa tawag.
"Babe tapos ka na mamili?" Tanong niya.
"Oo, ikaw?" Tanong ko pabalik.
"Tapos na rin. Gusto mo kumain? Andun na yung barkada." Kami na lang pala yung wala.
"Sige saan ba yun babe? Dun na lang tayo magkita." Sabi ko.
"Wag na, sunduin na lang kita dyan tapos sabay tayong pumunta dun. Hintayin mo 'ko babe papunta na 'ko dyan." Huling sabi niya at binaba na yung tawag.
-----------------------------------------------------------END OF CHAPTER TWENTY SIX!!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!!
YOU CAN ALSO FOLLOW ME IF YOU WANT!!
PLEASE DO PUT MY STORY ON YOUR LIBRARY!!
THANK YOU❗❣
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...