-Drake's POV-
Nakarating na kami sa tutulugan namin. Sabi ni Mommy bahay daw 'to nila Aliyah, sila lang kasi yung may bahay dito kaya dito kaming lahat tumuloy, malaki naman yung bahay nila at siguradong magkakasya pa kaming lahat.
Pinakahuli akong lumabas dahil bubuhatin ko pa si Trixie, di ko na siya ginising dahil ang himbing himbing na ng tulog niya. Napagod siguro 'to kanina kaya ayon bagsak ngayon. Hindi naman mataba si Trixie kaya hindi siya mabigat.
Pagpasok namin, inihiga ko muna si Trixie sa sofa dahil nag paplano pa kami kung saan kami matutulog.
"Magkahiwalay yung kwarto sa boys at sa girls. Yung mga girl sa kwarto ko, wag kayong mag-alala dahil magkakasya tayong lahat dun. Yung mga boys naman, katabi lang sa kwarto ko, magkakasya rin kayong lahat dun. Yun yung instruction ni Mommy sakin. Yung mga magulang natin nasa guest room yung kwarto nila." Tumango naman kaming lahat. Napatingin naman si Aliyah kay Trixie. "Drake iakyat mo na si Trixie dun sa taas, ipapakiha ko na lang kay Manang yung bagahe niya." Nauna na siyang umakyat kaya sumunod na ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Aliyah ay inihiga ko agad siya sa kama. Hinaplos ko muna sandali yung buhok niya at hinalikan sa noo bago ako tumayo at humarap kay Aliyah. "Kayo na lang ang bahalang mag palit ng damit niya ha." Pakiusap ko.
"Sige kami na ang bahala sa kanya, Drake, magpahinga na rin kayo." Sagot niya.
"Siguraduhin niyo lang na hindi siya magigising Aliyah ha, masama daw kasi yung pakiramdam niya sabi ni Faith, gusto kong makapagpahinga siya."
"Wag ka ng mag-alala Drake, kami na ang bahala sa kanya." Naglakad na kami palabas ng pinto, sakto namang paglabas namin ay papasok na rin sila Adrian sa kwarto kaya sumabay na ako.
"Sayang hindi ko makakasamang matulog si Aliyah." Nakasimangot na sabi ni Ethan.
"Tumigil ka nga dyan, Ethan. Hindi naman ikaw ang gustong makatabi ni Aliyah." Pang-aasar ni Adrian kaya mas lalong sumimangot si Ethan. Tumawa naman silang lahat, hindi ako natawa dahil nag aalala ako kay Trixie.
"Ano nangyari sa'yo dre? Gusto mo ring makatabi ni Trixie sa pagtulog?" Tanong ni Adrian na may halong pang-aasar din.
"Pagod lang ako. Mauuna na akong matulog sa inyo." Sabi ko.
Kumuha muna ako ng mga damit sa maleta ko ay pumasok sa cr para maligo. May cr naman sa kwarto na ito kaya hindi na namin kailangan lumabas para maligo o umihi.
Pag labas ko sa cr, nakita ko yung apat na busy sa mga cellphone nila, natext siguro sila Alexa. Di ko naman matext si Trixie kasi natutulog na yun.
Ilang oras pa ang lumipas at nakatulog na ako, dala na siguro 'to sa pagod kaya nakatulog agad ako.
-Adrian's POV-
Katext ko ngayon si Nichole , namimiss ko na kasi yung babe ko eh, sayang naman at di ko siya makakatabi sa pag tulog. Kahit gusto ko siyang makatabi ay di ko na pinilit kasi nakakahiya sa Mommy ni Nichole , baka isipin niyang may binabalak akong masama kay Nichole.
To: Nichole ❤️
Babe miss na kita, gusto kitang makatabi ngayon.From: Nichole ❤️
Tumigil ka nga dyan Adrian, baka may ibang isipin sila Mommy. Wag kang mag-alala, magkikita pa naman tayo bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/107126670-288-k105750.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...