-Trixie's POV-
"Baby wake up. Andito na sila inaantay ka. Mag ready ka na kasi aalis na kayo in an hour." Tiningnan ko naman yung relo sa side table at nakitang 4 am na. 8 am yung flight namin pero dapat 2 hours before the flight ay andun na kami. Mas mabilis pa sa kabayong tumatakbo yung pag bangon ko. "Hahaha excited ang baby namin ah. Oh siya sige na mag prepare ka na. Ipapababa ko na lang kay Manong yung mga gamit mo. Maligo ka na baby para kakain na pagbaba mo." Sabi ni Mommy.
"Sila Nichole po ba gising na?" Tanong ko.
"Oo gising na sila kanina pa. Ikaw na lang ang tulog pa. Hindi ka na nila ginising kasi alam nilang ikaw ang pinakapagod sa kanilang lahat." Na touch naman ako sa sinabi ni Mommy, hindi talaga ako nagsisisi na naging kaibigan ko sila.
Tumayo na ako at pumasok na sa kwarto. Mga 20 minutes lang siguro akong naligo, binilisan ko na kasi kanina pa daw sila naghihintay sabi ni Mommy, yung iba pinatulog nila muna sa guest room. Pagbaba ko nakita ko silang lahat na nakaupo na sa dining table.
"Good morning guys. Sorry natagalan ako. Napagod kasi talaga ako ng sobra eh." Paumanhin ko sa kanila.
"No, it's okay Trixie. Alam naman naming sa aming lahat ikaw yung pagod na pagod talaga kaya 'di ka na lang namin ginising." Sabi ni Ranz. Ang sweet niya. Pero ba't parang 'di na ako kinikilig? Dati kasi kahit hindi sweet yung mga sinasabi ni Ranz kinikilig pa rin ako. Weird.
"Aww thank you." Na to-touch na pasasalamat ko.
"Kain ka na Trixie." Seryosong sabi ni Drake, sa kanya nabaling yung tingin ko.
TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG.TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG.
Ano 'to? Ba't biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Wala naman siyang sinabi na makakapagpatibok ng puso ko ng ganito? Parang ang weird ko ngayon. Una hindi ako kinikilig sa sinabi ni Ranz kahit sweet pa ito. Panggalawa yung kay Drake na kahit wala siyang sinabi na sweet kinakabahan ako. Hindi kaya? Jusko po wag naman sana.
Kinalimutan ko na lang yung iniisip ko at umupo na sa bakanteng upuan na katabi ni Drake. Tadhana nga naman oh, ang lakas makatira. Habang kumakain kami daldal ng daldal si Adrian kay Nichole.
Ako Drake Alexa Ranz Patricia
Table
Nichole Adrian Ethan Aliyah FaithYan ang posisyon namin habang kumakain. Katabi ko si Drake at kaharap ko sila Nichole at Adrian na nagkukulitan habang kumakain.
"Mamaya na yan, kumain na kayo dahil nagmamadali na tayo. Ituloy niyo na lang yan mamaya, marami pa tayong oras o araw. Pero sa ngayon bilisan niyo na." Suway ko sa kanila.
"Opo, Mommy." Boses batang sagot ni Nichole.
"Anong Mommy pinagsasabi mo diyan? Iwan kaya kita dito." Pananakot ko sa kanya. Nanlaki naman bigla yung mata niya.
"Biro lang naman eh, ikaw 'di ka na mabiro." Sabi ni Nichole. Natawa naman ako kasi kitang kita mo sa mukha niya na natakot siya sa sinabi ko.
"Bilisan niyo na diyan at baka maiwan pa kayo ng eroplano niyo. Wala yung private plane natin ginamit ni Papa." Sabi ni Mommy.
"Tapos na po kami Mommy/Tita." Sabay na sabi namin at sabay ring tumayo. Nagkatinginan kaming lahat at natawa.
"Oh sige iwan niyo na lang yan diyan, kami na ang bahala diyan. Kanina pa kayo hinihintay ni Manong sa labas." Sabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...