-Trixie's POV-
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ako, ang sakit pa ng ulo ko
Tiningnan ko naman yung tao sa tabi ko, nanlaki yung mata ko dahil walang kahit anong damit na suot si Drake. Tiningnan ko naman yung sarili ko at wala rin akong suot na damit. Bigla akong kinabahan.
"D-drake." Nauutal kong gising sa kanya.
"Hmmm." Ungol niya. Mukhang inaantok pa 'to.
"Gumising ka Drake." Sigaw ko kaya naman napabangon siya bigla.
"What's the matter?" Natataranta niyang tanong.
"Anong what's the matter? May nangyari ba satin?" Nakita kong biglang lumaki yung mata ni Drake, nakita niya kasing wala kaming saplot pareho. Tumingin siya sa paligid at nakitang nagkalat sa sahig yung mga damit namin.
May ngangyari ba talaga samin?
"Kung meron man, ayos lang. Girlfriend naman kita eh." Prenteng sagot niya.
"Anong ayos? Pano kung mabuntis ako? Drake, hindi pwede, mga bata pa tayo." Umiiyak na ako. Agad naman siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"It's our first time. Kaya there's a possibility na hindi ka mabubuntis. Meron naman ganun. Kaya wag mo ng isipin yung, okay?" Hinahagod niya lang yung likod ko. Tumango lang ako.
Biglang tumunog yung cellphone ko kaya napabitaw ako sa pagyakap ni Drake. Si Alexa pala yung tumatawag.
Sinagot ko na yung tawag. "Hello?"
"Nasa bahay ka?" Tanong niya.
"Oo, bakit?"
"Yung pinsan mo, dito natulog sa bahay." Kaya pala kami lang ni Drake kagabi yung pumasok dito sa bahay.
"Pauwiin mo na yan dito. Baliw talaga yung babaeng yun." Sabi ko na natatawa pa.
"Sabay na lang kami." Sagot niya.
"Anong gagawin mo dito?" Tanong ko.
"Pag plaplanohan natin yung pag punta natin sa Baguio." Sabi niya.
"Okay sige." Sabi ko at nagmadaling pumunta sa cr.
Nakalimutan kong kasama ko pala si Drake. "Babe bakit ka nagmamadali?"
"Pupunta yung barkada dito." Sagot ko.
"Hah?! Hindi pa ako nakakaligo." Natataranta na din siya.
"Sa guest room ka na lang maligo, gagamitin mo na lang yung mga damit ni Ahya dito." Sabi ko at nauna ng lumabas. Binigay ko sa kanya yung damit ni Ahya. Ako naman bumalik na sa kwarto ko at naligo.
Sakto namang paglabas ko sa kwarto, lumabas din si Drake.
"Lika na, kain na tayo." Sabi ko. Kinalimutan ko na muna yung nangyari samin kagabi. Hindi naman siguro yata ako mabubuntis kasi first time namin yun.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
