-Trixie's POV-
"Babe, malapit na yung birthday mo."
"Oo nga babe eh malapit na, kaso wala sila Mommy at Daddy eh, mag-isa na naman ako sa birthday ko."
"Hindi ka nag-iisa babe, andito naman ako eh, sasamahan kitang mag celebrate ng birthday mo."
"Talaga babe? Sasamahan mo 'ko?"
"Oo naman babe."
"Promise mo yan ah."
"Yes babe I promise."
"I love you Trixie."
"I love you too babe."
~~
"Babe I'm sorry hindi ako makakapunta sa birthday mo."
"Bakit? Pero promise mo sakin namakakasama kita sa birthday ko."
"So babe kasi may biglaan eh. Babawi ako sa susunod."
~~
"Babe hap-" Hindi niya natapos yung sinabi niya, nabitawan niya agad yung cake na hawak niya dahil sa nakita niya.
"Trixie gising." May narinig akong boses na parang ginising ako.
"Bes gising! Okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyayari sa'yo? Hoy bes gumising ka." Inaalog na ako ni Alexa. Teka umiiyak? Bakit ako umiiyak? Naimulat ko agad yung mata ko at nakitang nakatingin silang lahat sakin na may pag aalalang tingin.
"Okay ka lang ba Trixie?" Tanong ni Ranz. Tumango lang ako.
"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak? Nagulat nalang kami ng bigla kang nagsisigaw kaya nagising kaming lahat." Nag aalalang sabi ni Patricia.
"Okay lang ako, salamat. May napanaginipan lang. Pasensiya na at nagising ko kayo." Sabi ko.
"Wala yun. Okay ka na ba?" Tanong ni Drake kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya.
Bakit ko ba yun palaging napapanaginipan? Feeling ko may something sa panaginip na yun. Bakit feeling ko ako yung babae sa panaginip?
"Trixie okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa namin kinakausap, tulala ka lang. Gusto mo uwi na tayo para madala ka namin sa hospital." Nag-aalalang sabi ni Drake.
"Okay lang talaga ako, hindi na natin kailangang umuwi. May napanaginipan lang ako." Sabi ko.
"Are you sure couz? Tatawagan ko si Tita." Sabi ni Nichole.
"I'm okay couz, no need to call Mom." Sabi ko.
"Kakain na po Maam, sir. Baba na po kayo." Katok ng katulong sa pinto kaya sa pinto nabaling yung atensyon namin.
"Sige po, susunod na." Sabi ko. Tiningnan ko sila at niyaya. "Tara na." Nauna na akong bumaba sa kanila.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung panaginip na yun, parang may kakaiba talaga sa panaginip na yun, feel ko nagawa ko na yun sa totoong buhay.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
