-Trixie's POV-
Andito ako sa labas nakaupo at nakatingin lang sa dagat, huling araw na namin to ngayon, babalik na rin kami bukas sa Maynila. Sinusulit ko na lang yung natitirang oras ko ngayon.
Nakita ko namang sa gilid ng mga mata ko na palapit sa gawi ko si Drake kaya dali dali akong tumayo at naglakad palayo.
"Trixie. Trixie stop. I just wanna talk." Habol niya sakin.
"Hindi, Drake. Wala na tayong dapat pag-usapan." Sabi ko at mas binilisan pa yung paglalakad ko.
Binilisan niya rin yung takbo niya. "Just talk to me first. Why are you pushing me away?"
"Hindi, Drake. Tama na. Bumalik ka na dun. Hinahanap ka na ni Stela." Sabi ko.
"How can I be with Stela when all I think about is you." Napatigil naman ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Natawa naman siya. "It's true, Trix, it's crazy. I was okay hanggang bumalik ka. Now all I think about is what could have been if it was us. I wanted to be with you." Ngumiti naman siya. "I still do."
Bumuhos naman ng malakas ang ulan kaya tumakbo ako sa cottage para dun sumilong. Sumunod din siya.
"Umalis ka na." Pagtataboy ko.
"Trixie, no." Sabi niya at patuloy pa rin sa pagsunod sakin.
Nakarating na kami sa cottage. "Kay Stela ka na lang." Sabi ko.
Hinawakan naman niya yung kamay ko, nagpupumiglas ako pero dahil sa mas malakas siya kaya wala na akong nagawa, hinayaan ko na lang na hawakan niya yung mga kamay ko.
"Mag usap muna tayo. Si Stela, siya yung andun nung umalis ka. She made me realize na pwede pa pala akong mag mahal ng taong hindi ako iiwan. Pero nung nakita kita kasama si Dominic, I felt pain, ayokong makitang may ibang tao ng nagpapasaya sayo. I know it may sound selfish kasi may girlfriend ako tapos ikaw meron ka na ring Dominic, but what can I do? Kung pwede lang talaga kitang kalimutan, matagal ko ng ginawa. Pero alam mo ba kung bakit di ko yun ginawa? Kasi I had hopes, you once told me na kapag aalis ka, kahit saan ka magpunta, babalikan mo pa rin ako." Tumigil muna siya para huminga. "You make me feel good inside. You make me happy inside. Please tell me you want to be with me too?" Nakangiting tanong niya.
Nakatitig lang siya sakin habang hinihintay ang sagot ko, hindi ko naman mapigilang mapatingin sa mga labi niya. Dahan dahan naman siyang lumapit kaya napapikit ako hanggang sa naramdaman ko na yung mga labi niya sa labi ko.
Pero napabitaw naman agad ako dahil naisip kong hindi na tama ang ginagawa namin, lalo na't malapit na silang ikasal ni Stela, ayokong ako pa ang dahilan para hindi matuloy ang kasal nila.
Napailing naman ako. "Hindi na kita kayang mahalin. Siguro noon pwede pa, pero ngayon hindi na."
Lumabas na ako ng cottage at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Pinigilan kong wag lumingon, dahil baka masabi ko sa kanyang hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.
Napatigil naman ako sa paglalakad at pinunasan yung mga luha ko. Napalingon naman ako pero naglalakad na siya palayo, kaya nang patuloy na lang ako sa paglalakad.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siyang pagtulo rin ng mga luhang nanggagaling sa mga mata kong ayaw tumigil sa pag iyak.
Siguro dito na talaga nagtatapos ang lahat, tinapos ko na lahat kung anong meron samin dati. Wala ng Trixie at Drake na masaya na sa buhay nila sa susunod na mga panahon. Wala ng Trixie at Drake na magsasama hanggang sa pagtanda nila sa susunod na mga panahon. At higit sa lahat, wala ng Drake na kahit ilang beses ko ng nasaktan ay handang kalimutan yung kasalanang nagawa ko, makasama lang ako.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
Roman d'amourNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
