-Trixie's POV-
Pagkalabas na pagkalabas namin sa campus sumakay na agad ako sa kotse ko, hindi ko na pinansin pa si Alexa. Pinaandar ko na agad at mabilis na nag drive pauwi sa bahay. Hindi naman ako galit kay Alexa, siguro nagtatampo lang ako, hindi niya kasi sinabi sa akin kung sino yang si Drake, bestfriend niya ako pero naglilihim siya.
"Oh shobe, you're here na pala? Bakit parang malungkot ka yata?" Nagulat nalang ako nung biglang lumapit sakin si Achi, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay.
"I'm okay Achi, I'm just tired." Malungkot na sabi ko sa kanya.
"Wag mo kong lokohin shobe, I know your tired, pero hindi ganyan yung mukha mo pag pagod ka, sige na sabihin mo na kay Achi." Sasabihin ko ba sa kanya? Ay sabagay ate ko naman siya kaya okay lang.
Naglakad kami papuntang sofa at doon nag usap, hinintay muna naming maihatid nj Ate Mary yung snacks namin bago kami nag usap.
"Kanina kasi nung lunch time na, me and Alexa was with Ranz and his friend. Pinakilala niya na isa-isa yung mga friends niya, lahat sila tumingin sakin, exept for this one guy. And he's Drake." Natigilan ako sa pagsasalita nung nakita kong bahagya pang nanlaki ang mata ni Achi.
"D-drake who?" Bakit ba parang lahat ng mga taong nakakarinig ng pangalan na Drake ay parang kinakabahan.
"I don't know. Drake lang yung alam ko eh, hindi na kasi siya nag pakilala kasi nag away kami."
"May sinabi ba siya sa'yo?" Kabadong tanong niya.
"Sabi niya I was part of his past. Di ko naman maintindihan kasi di ko nga kilala tapos part of his past." Kunot noong sabi ko sa kanya.
"Oh my god! Hindi pwede!" Huh?
"Anong hindi pwede Achi?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
"Ah w-wala wala." Sabi niya at biglang umalis. Weird! Para kang si Alexa, Achi hindi makasagot ng maayos kapag tinatanong ko siya tungkol sa Drake na yun.
Umakyat na ako sa kwarto para maligo, hindi na ako kumain ng dinner kasi hindi pa naman ako nagugutom. Nag laptop lang ako sandali, tapos natulog na. Ipipikit ko na sana yung mata ko kaso nag ring yung phone ko. Sino ba 'to? Unknown number eh. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba 'to o hindi, kasi di ko kilala eh. Pero sa huli sinagot ko parin yung tawag niya.
Unknown calling...
"Hello?" Sabi ko pero walang sumagot. "Hello? Who's this?" Tanong ko pero wala pa ring sumagot. "Ibababa ko nalang to, I'm sorry I can't talk to you right n--" Napatigil ako sa pagsasalita nung nagsalita na siya.
"Hindi mo na ako naaalala?" Tanong niya pero bakit parang malungkot yung pagkakasabi niya. Pero hindi ko nalang yun pinansin.
"I'm sorry Mr. pero I don't know you po." Hindi ko talaga siya kilala eh. I know Mom told me na don't talk to strangers pero pakiramdam ko kasi ay kilala ko 'tong kausap ko eh.
"Pag nagpakilala ba ako sa'yo, maaalala mo ba ako?" Tanong niya.
"Okay po."
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomansNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...