Chapter 22

1.7K 52 0
                                        

-Nichole's POV-

Hindi agad ako nakapag-salita dahil nagulat ako sa sinabi niya.

Kahit nakita ko kung paano nahulog si Ethan sa pool, hindi pa rin ako tumawa.

"Ano.. ahm.. P-pasok na t-tayo sa loob, p-pagod na rin a-ako eh." Tumayo na siya at nauna ng pumasok.

Sumunod naman yung iba. Ako? Ito nakaupo pa rin at tulala.

Tumabi naman si Trixie sakin, 'di pa pala siya pumasok. "Pagkakataon mo na 'to, cous. Wag mong sayangin yung pagkakataon." Tinapik niya muna yung likod ko bago naglakad papasok.

Ano? Uupo ka na lang ba diyan? Sasayangin mo na lang ba ang pagkakataon? Baka magsisi ka sa huli kung hindi ka kikilos ngayon din. Sabi ng utak ko.

Tumayo agad ako at mabilis na naglakad para maabotan ko pa si Adrian.

Naabotan ko silang lahat na papasok na sa mga kwarto nila, huling pumasok si Adrian kasi siya yung nagtuturo kung saan yung mga kwarto namin.

Papasok na sana siya kaso tinawag ko siya. "Adrian, ahm, can we talk?"

Lumingon naman siya sakin. "Sige."

Sa mahabang sofa siya umupo, ako naman sa single sofa lang. May sofa kasi sila dito sa second floor.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa'yo kahapon." Nakayukong sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya kasi nagui-guilty ako.

"Okay lang yun. Tama ka naman eh, hindi naman tayo, hindi naman kita girlfriend, kaya wala akong karapatan na umakto ng ganun." Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko yung sakit na nararamdaman niya sa mga mata niya.

"Hindi ko sinasadyang masabi yun sa'yo. Naiinis lang talaga ako. I'm sorry." Sabi ko.

"Bakit ka naman naiinis?" Tanong niya.  Aamin na ba ako?

"Hindi ko alam. Nainis na lang ako bigla nung nakita ko kayong magka-akbay, tapos ang sweet niyo pa doon." Sabi ko. Nakita ko namang napa-angat siya ng tingin sakin.

"Hindi mo naman kailangang magselos eh." Sabi niya.

Nagseselos ba ako? Tanong ko sa sarili ko.

Oo, nagseselos ka. Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi ka nagseselos. Aminin mo na lang kasi. Ani ng utak ko.

"Hindi naman ako nagseselos eh." Sige Nichole, deny mo pa.

"Lika dito, tabi ka sakin." Sabi niya. Tinuro niya pa yung space sa tabi niya. Tumabi naman ako sa kanya, "Hindi ka na dapat nagseselos kasi ikaw naman yung gusto ko eh." Patuloy niya.

"Weh talaga? Parang hindi naman eh." Natatawang sabi ko.

"Ba't ayaw mong maniwala na gusto kita." Nakasimangot na sabi niya.

"Eh pano kung pinagtitripan mo lang pala ako? Ginawa mo lang akong rebound?" Tanong ko.

"Trip talaga? Eh pano kung sabihin ko sayong naka move on na ako kay Vanessa?" Sabi naman niya.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon