Chapter 18

2.2K 63 1
                                        

-Trixie's POV-

Lunes na ulit ngayon kaya pasukan na naman. Kasabay ko ngayon si Nichole, dun na daw siya mag-aaral.

Buti na lang talaga at dito na sa bahay titira si Nichole para naman may makasama ako, babalik na kasi sila Mommy at Daddy sa China, si Achi at Ahya naman sa America. Mag-isa na naman ako.

"Trixie lika na, kanina pa naghihintay si Manong." If I know excited lang siya makita si Adrian, parang kahapon pa nga lang sila nagkita.

Wala kasi yung kotse ko, pina-carwash ni Daddy, pwede namang ako na lang yung maglinis diba?

"Oo na, ito na. Excited ka lang makita si Adrian eh." Pang-aasar ko.

"Hindi ah, malapit na kasi yung oras baka malate tayo." Tiningnan ko naman yung wrist watch ko. Jusmiyo.

"Ipapa-alala ko lang sa'yo my dear cousin na 8 pa magsisimula yung klase natin. Jusmiyo 7 pa lang Nichole. Aminin mo na kasing excited ka lang makita siya." Natatawang sabi ko.

"Oo na! Oo na! Excited na akong makita siya, happy?" Ohh galit na siya. Hahaha!

"Lika na nga, baka umiyak ka pa dyan di mo makita si Adrian." Gusto ko talagang inaasar si Nichole, ang bilis niya kasing magalit eh.

Nag dadabog siyang pumasok sa kotse. Natawa na lang ako sa inasta niya.

"Lika na po Manong, malalate na daw po kasi kami sabi ni Nichole eh 7 pa naman. Siguro excited lang siya makita si Adrian, tama ba ako Manong?" Natatawang tanong ko kay Manong, pero kay Nichole ako nakatingin.

Inirapan niya lang ako. Natawa na lang kaming dalawa ni Manong.

Ilang minuto pang byahe at nakarating na kami sa TMU. "Andito na po tayo maam."

"Sige, salamat po, Manong. Tawagan ka na lang namin mamaya, Manong." Sabi ko at bumaba na.

"Okay po, Maam."

Naglalakad na kami papasok sa campus. Nakita namin yung mga boys nag-aantay sa gate. Tiningnan ko naman si Niya, ayun kinikilig. Nakita naman sa mga mata kong nakayuko lang si Ranz.

"Good morning, babe." Lumapit sakin si Drake at hinalikan ako sa pisnge. Namula naman daw ako.

"Good morning." Bati ko pabalik sa kanya.

"Nangiinggit ba kayo?" Tanong ni Nichole samin.

Haha. Hindi pa kasi umaamin si Adrian sa kanya. Natotorpe siguro.

"Bat 'di na lang kasi ikaw ang umamin na mahal mo na siya." Singit ni Alexa. Buti nga at may kausap pa sa phone sa Adrian kaya hindi niya kami naririnig.

"Ayoko nga. Dapat siya yung umamin kasi lalaki siya." Sabi niya.

"Ang arte nito. Pwede rin naman yung babae ang umamin, diba? Wala namang mawawala sa'yo kung ikaw aamin." Sagot ko naman.

"Ah basta, ayoko. Bahala siya sa buhay niya." Sabi niya at nauna ng maglakad, sumunod na lang kami.

~~

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon