Chapter 31

1.4K 43 1
                                    

-Trixie's POV-

"Mommy, mommy wake up." Gising niya sakin kaya dumilat na ako. "We still have to go to Ninong Ranz's birthday."

Tingnan ko yung relo at malapit ng mag alas sais, 6:30 kami susunduin ni Dominic. Napabalikwas naman agad ako sa kama kaya tinawanan ako ni Audrey.

"Sige let's go to your room na." Kinarga ko na siya papasok sa kwarto niya.

Ako na yung nagpaligo sa kanya, dahil kung hindi ko siya papaliguan ay mas matatagalan kami. Mabagal kasing maligo si Audrey, nag eenjoy siya sa tubig.

Pagkatapos niyang maligo ay binihisan ko siya nung binili naming damit at inayosan ng buhok. Double dutch braid yung pagkaayos ng buhok niya.

"Baby sa baba mo na lang ako hintayin, okay? Tingnan mo rin kung nasa baba na ba Tito Dominic mo. Mag-aayos lang din si Mommy." Sabi ko at sinamahan siya sa hagdan. "Be careful." Paalala ko.

"Yes mom." Sigaw niya. Malayo na kasi siya sakin.

Pumasok na agad ako sa kwarto ko at nag madali ng mag-ayos. Umabot din ako ng 20 minutes sa pag-aayos. Bun yung pagkaayos ng buhok ko.

Tiningnan ko muna yung buong ayos ko sa salamin bago bumaba. Sinalubong naman ako nila Audrey at Dominic sa hagdan.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

Umiling naman siya. "Kakarating ko lang din." Nakangiting sagot niya. Inilapit niya yung labi niy

May tumikhim sa harapan namin kaya napaharap agad kaming dalawa kay Aliyah.

"Andito ka pa pala? Bat di ka pa umaalis?" Tanong ko.

"Hinihintay ko lang si Ethan, malapit na daw siya." Sagot niya kaya tumango lang ako.

"Una na kami ah." Paalam ko. Tumango lang siya. Kaya lumabas na kami ng bahay.

Pinapasok ko muna si Audrey sa back seat. Binuksan naman ni Dominic yung pinto sa passenger seat kaya umupo na ko. Umikot naman siya at pumasok na rin sa sasakyan niya.

Pinaandar na niya yung sasakyan at nagsimula ng mag drive. Hindi naman naging matagal yung byahe kasi hindi naman gaanong malayo yung bahay nila Ranz.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bahay nila Ranz. Nagsimula ng kumabog yung dibdib ko.

Napagdesisyonan mo na to Trixie. Wag mong ikahiya yang anak mo. Mahal mo yan kaya handa kang iharap sa buong mundo. Sabi ko sa sarili ko.

"Ready ka na?" Tanong niya. Nararamdaman niya rin sigurong kinakabahan ako.

Bumuntong hininga muna ako bago tumango at sumagot. "Oo."

Tumango din naman siya at binuksan ako ng pinto, sunod din naman niyang binuksan yung back seat.

"Baby gusto mo karga?" Tanong ni Dominic kay Audrey nung nakalabas na siya ng sasakyan.

"Wag na Dom." Pigil ko sa kanya.

"No need Tito, I can walk naman po." Pigil din ni Audrey, buti naman at hindi siya nagpapalambing ngayon.

Malalaman mo yan pag gusto niya ng lambing kasi mag papakarga yan sayo.

Si Ranz yung sumalubong samin. "Trixie, Dominic, andito na pala kayo." Bati niya saming dalawa. "Well hi there baby girl." Umupo siya para magkapantay sila ni Audrey.

"Happy birthday Ninong." Nakangiting bati ni Audrey saka niyakap si Ranz, kinarga naman niya si Audrey.

"Thank you baby."

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon