-Trixie's POV-
"Oh, God! Oh, God!" This is it. Any minute from now, magsisimula na ang labanan ng ganda at talino.
I saw how Alexa rolled his eyes. "Can you please calm down? Para ka ng kakatayin dyan eh."
Pinapaypay ko kasi ang sarili ko gamit ang kamay ko. Ang lalaki ng butil ng pawis na lumalabas sa katawan ko. Parang may roller coaster ride na din sa tyan ko.
"You know what, eto ang gawin mo. Inhale. Exhale." Dugtong niya sabay akto na himihinga siya ng malalim. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "Go on. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Alexa and so far, medyo okay na ang pakiramdam ko.
Kanina ko pa hinahanap si Drake. Until now, ni dulo ng buhok niya hindi ko pa din nakikita.
"Hey, he'll come around. Right now, focus. Let's win this." Singgit ni Rafael.
I nodded and instead of worrying about Drake, nag focus nalang ako.
Isa din sa mga inaalala ko ay ang suot ko. Ako si tinkerbell pero mas daring yung suot ko. Si Rafael naman ay si Peter Pan which is bagay naman sa kanya.
"Ano na naman ba ang inaalala mo dyan, Trix?" Tanong ni Alexa. Napansin niya ata na tingin ako ng tingin sa suot ko. Ang ikli kasi eh!
"Please remind me why does it have to be this daring?" Tanong ko sa kanya.
"Jeez. Dami mong issue sa buhay. You know what you have to do? Go in the stage, give your best shot, and win the crown. I repeat, win the crown."
I sighed. Ang laki ng tiwala nila na makukuha ko ang crown. Eh never pa nga nag crown ang section namin, ako pa kaya? Duh?
"Okay girls and boys, we'll start in 5 minuets. There's no room for mistakes, okay? We've practiced this already." Announce ng coordinator tapos umalis agad.
May mga katulad ko na kinakabahan, may iba din na confident na masyado, habang yung iba ay parang mahihimatay na. Natawa nalang ako sa mga nakikita ko.
Hindi ko napansin na may kamay na nasa bewang ko. And like a magic, nawala agad sila Alexa at Rafael.
Pagtingin ko ay ang nakangiti na mukha ni Drake.
Myghaaaad! Mas mahihimatay ata ako sa mga ngiti niyang yan eh.
"Hi." Ngiti niyang bati.
Ngumiti din ako ng matipid. Wala na, nag rarambulan na ang mga intestines ko sa tiyan.
Hinagod niya ako sa tingin mula sa paa hanggang sa ulo. At yung reaction niya ay parang nadidismaya.
"You looked... Sexy." Tumingin siya sa katawan ko bago ako tiningnan ulit sa mukha. "And gorgeous."
Namula naman ako sa sinabi niya. Bakit ba kapag si Drake ang nagsasabi sakin nun, tagos na tagos hanggang buto?
"T-thanks." Nahihiya kong sagot. Naka semi yakap pa din siya sakin until now.
He chuckled. "You're really adorable." Then he touched the tip of my nose.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomansaNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
