Chapter 19

2.1K 60 0
                                    

-Trixie's POV-

December 5

Today is the first day of the Sports Festival. And ngayon din ang laban nila Drake, syempre nandun ako, cheerleader ako eh. And kahit naman hindi ako cheerleader eh nandun pa din ako. Supportive kaya ako sa boyfriend ko. Haha naks naman,

"Guys, ready na ba kayo?" Ako yan. Akala mo kami maglalaro eh noh? Haha. May prod number kasi kami. Para daw ganahan pa yung mga players. Ganun din naman yung sa kabilang team.

"Yes, Captain." Sabay nilang sabi.

"And now, let's here it for the cheerleaders of Tres Marias University!" Nagpalakpakan at nag sigawan ang aming schoolmates. Syempre kami, pumunta na sa gitna.

Wala pa ang mga players, hindi pa sila tinatawag eh. Mamaya pa sila lalabas.

-Drake's POV-

"And now, let's here it for the cheerleaders of Tres Marias University!" Nakarinig kami ng malakas na sigawan. Nako, gusto ko pa namang mapanuod sila Trixie, bakit kasi mamaya pa kami tatawagin. Hindi ko tuloy makikita girlfriend ko. Tsk.

"Oh, what's with the kulot face?" Ranz.

"Yuck, dude! Conyo much lang?" Ethan.

"Parang hindi ikaw ah." Adrian.

"Tumigil nga kayong tatlo. Pare-parehas lang naman kayo eh." Saway ko sa kanila. Pano nagrarambulan na ang mga loko. Buti na lang wala dito si Coach, kung hindi. Nako push ups yan. Haha.

"Bakit ka nga kasi nakasimangot?"

"Eh kasi hindi ko mapapanuod sila Trixie." Simple kong sagot.

"Sus. May magvi-video naman nun siguro." Sabi ni Adrian. Sana nga.

"Okay guys. Get ready, tatawagin na kayo maya maya." Napaayos kami ng upo dahil sa biglang pagdating ni Coach. Kagulat naman kasi.

"YES COACH!" Sigaw namin.

"SINISIGAWAN NIYO BA AKO HA?!" Nanlaki ang mga mata namin. Nakakatakot si Coach. Sumagot lang naman kami eh.

"No coach." Mahina naming sabi.

"Okay." Lumabas na siya.

"Baliw ata yang si Coach eh." Sabi ni Adrian.

"Pag ikaw narinig ni Coach. Patay kang bata ka." Sabi ni Ranz kay Adrian. Nanakot pa ang loko.

"Patay agad, Ranz? Hindi ba pwedeng Push-ups muna?" Pambabara ko sa kanya. Haha.

"And now, get ready TMU. This is yours! BLACK TIGERS!" And as if on cue, patakbo kaming pumasok sa gym. Nagsisigawan sila. Gwapo ko kasi eh.

Pumunta na kami sa side namin. Kung saan nandun ang mga cheerleaders.

"Okay team, ganto ang gagawin natin. You 13 you'll guard #59 and you 72 ikaw sa..." Hindi ko na pinakinggan si Coach. Alam ko na naman ang diskarte niyan eh. For four years ba naman na siya ang Coach ko. Haha. Nakatingin lang ako kay Trixie, nakikipag-usap siya sa mga kasama niya. Ganda talaga ng girlfriend ko.

"Villaluz! Are you listening?" Nabalik ang atensyon ko kay Coach dahil sa sigaw niya.

"Yes Coach." Sagot ko at ngumiti.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon