-Trixie's POV-
December 23
Ngayong araw na yung alis namin papuntang Hawaii. Kami na lang magbabarkakada yung sabay-sabay aalis kasi nauna na yung mga magulang namin kahapon.
7 am yung kinuha naming flight para pag dating namin sa Hawaii maaga pa. 4 am pa lang ngayon, maaga akong nagising kasi 5 am pa lang pupunta na kaming airport. Hinihintay na lang namin yung iba. Dito na daw kasi kami magkikita at magpapahatid na lang kami kay Manong sa airport.
Lumabas muna ako sa kwarto kasi nagugutom ako. Pagdating ko sa dining nakita ko si Manang nagluluto. Hmmm ang bango.
"Manang ano yang niluluto mo?" Tanong ko sabay tingin sa niluto niya.
"Bagoong alamang 'to, Trixie." Sagot ni Manang.
"Manang, pwede pahingi?" Pagpapacute ko.
Gulat namang napatingin sakin si Manang. "Diba ayaw mo sa mga bagoong? Ayaw mo sa bagoong kasi nababahuan ka?"
"Mabango kaya siya, Manang. Ang sarap ngang kainin eh. Pahingi ako, Manang, sige na." Pangungulit ko.
"Sige pero konti lang." Nilagyan niya ko sa platito. Konti lang talaga.
Napasimangot naman ako. "Manang naman eh. Damihan mo kasi." Wala ng nagawa si Manang, nilagyan niya ulit ug platito ko, mas dumami na 'to ngayon.
Nagsimula na akong kumain. Hindi ko alam kong anong dahilan pero nasasarapan talaga ako sa bagoong alamang, gusto ko siya paresan ng mangga.
"Manang, may mangga ba tayo dito?" Tanong ko.
"Meron yata, tingnan mo na lang diyan sa ref." Sinunod ko naman yung sinabi niya, tiningnan ko. Buti na lang talaga at may mangga akong nakita.
Ngayon ko lang na appreciate ang sarap ng bagoong alamang. Subo lang ako ng subo hanggang sa hindi na kayanin ng tyan ko.
Saktong pagkatapos kong kumain ay bumaba na rin sila, dumating na rin yung iba.
Pasimple kong kinuha yung bote ng bagoong na nilagay ni manang sa cabinet at mangga. Nilagay ko sa bagahe ko. Sinigurado kong hindi nila ito mapapansin.
"Aalis na ba tayo?" Tanong ko.
Lumapit naman sakin si Drake at hinalikan ako sa pisngi. "Morning babe."
"Ang baho mo." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya bigla sakin.
Inamoy naman niya yung sarili niya. "Hindi naman ah. Babe ito yung gusto mong pabango para sakin. Ikaw pa nga yung pumili nito eh."
"Mag bihis ka. Ang baho mo. Kung ayaw mong magbihis, wag kang lumapit sakin." Sabi ko at nauna ng sumakay.
"Ano bang nangyayari sayo babe? May sakit ka ba?" Nakasunod pala siya sakin.
Hindi ko na lang siya sinagot. Sumunod na rin yung iba. Si Alexa yung katabi ko sa kotse kasi ayokong katabi si Drake.
Ang ingay nilang nag-uusap habang ako ay tahimik lang at nakatingin lang sa nadadaanan namin. Ilang minuto pa at nakarating na kami sa Airport.
"Babe pansinin mo naman ako." Pangungulit ni Drake.
"Lumayo ka nga sakin, Drake. Ang baho mo, sumasakit yung ilong ko sa amoy mo." Sabi ko at nagtuloy tuloy sa pag pasok sa loob.
"Hini naman ako mabaho babe eh. Naligo naman ako kanina." Nakasunod na pala siya sakin.
"Isa, Drake! Lalayo ka ba sakin o hindi na kita kakausapin kahit kailan?!" Pasigaw na tanong ko kaya napatingin yung mga tao sa loob dito sa amin.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomantizmNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
