Chapter 7

2.7K 81 0
                                        

-Drake's POV-

Tapos ng mag present yung mga kaklase ko at kami na lang apat natira yung hindi pa natawag ni Miss.

"Adrian Christopher Romualdez, come here in front." Naglakad na si Adrian papunta sa harap.

PANSAMANTANGA

Di mo pa man nasasabi
Damang-dama ko na
Wala pa man sa iyong labi
Pero isinasampal mo na
Ang matatalas na salita ng mga hindi mo pagkibo
Sa tuwing tinatanong ko sa'yo kung kailan kayo hihinto

Pagod nang maglakbay ang aking mga luha
Mula sa aking mga mata hanggang sa mag-isa kong tinatapakang lupa
Pagod nang humakbang ang aking mga paa
Papalayo sa sarili ko
Papalapit sa mga ipinipilit mo

Lumaya ka sa akin
Para ikulong ako sa'yo
Sige lang
Kakayanin
Ngayon lamang naman ito

Pansamantanga.

"Pansamantanga? Hmm? Next Ethan Joseph Lopez." Tumayo na si Ethan at naglakad papunta sa harapan.

NANDOON DITO

Nasa kabilang panig ka na ng mundo
Pabayaan mo na lang ako
Huwag mo na sana akong durugin
Ng mabibigat na hakbang mo.

Matagal ka nang tumalikod
Ang layo na ng iyong tinakbo
Nasa ibang lupain ka na nga
Natatapak-tapakan mo pa rin ako.

Matagal ka nang wala dito
Pero pakiusap, umalis ka

"Nice. Next Ranz Karlo Scott." Tumayo na rin si Ranz at naglakad papunta sa harap.

-Ranz's POV-

PANAKIP-BUTAS

Sabi ko haharapin kita kapag buo ka na
Pero heto ako ngayon hawak ko pa ang mga piraso mo – tinatahi kita

Alam kong mahal mo pa rin siya. Pero hindi mo nga lang maalala. Gusto kong maging akin ka, pero alam kong may laman na yang puso mo.

Sabi ko mahuhulog lang sa'yo kapag ganap na ikaw ka na
Pero heto ako ngayon pinupulot ang mga bubog mo gamit ang mga salitang "nandito lang ako" at "tahan na"

Kahit masakit, haharapin pa rin kita, kahit alam kong siya pa rin. Palagi lang akong nandito sa tabi mo, kung kailangan mo ng makaka-usap, hindi kita iiwan.

Kapag pag-iisa na lang ang iyong hinihiyaw saka sana ako lalapit
Kaso nandito ako sa harap mo binibingi ang sarili sa lahat ng mga tinago mong reklamo at galit

Dadalhin sana kita sa buwan kapag aking-akin ka na
Kaso nasa alapaap na ako, lunod na lunod ka pa sa kaniya

Siya pa rin, siya pa rin yung mahal ko. Wala na yata akong magagawa, hindi ko na mababago an nararamdaman mo.

Tinakpan ko na ang lahat ng butas ng pagkatao mong kabisadung-kabisado ko na
Napunasan ko na ang mukha mong ginasgas na ng mga sampal at pagluha

Nung iwan ka niya, ako yung nasa tabi mo, ako yung taga punas ng mga luha mo. Ako yung nasa tabi mo nung mga panahong lunod na lunod ka pa sa pagmamahal niya.

At kapag buo ka na

Gaya nang dati

Makakalaya ka na.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon