Chapter 32

1.5K 45 0
                                        

-Drake's POV-

Nakauwi na ko sa bahay pero hindi pa rin ako makatulog. Gusto ko ng matulog pero ayaw pa ng mata ko.

Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko yung mga narinig ko kanina.

FLASHBACK

Lalapitan ko sana si Adrian kaso napatigil ako kasi nag-uusap pa sila ni Dominic yata pangalan nun, yung asawa yata ni Trixie.

Aalis na sana ako kasi wala naman akong pakialam sa pinag-uusapan nila. Pero nung narinig ko yung tanong ni Adrian ay napatigil ako.

Nagtago lang ako sa gilid para di nila ako makita. Hindi ko alam kung anong nagyayare sakin basta ang alam ko ay gusto kong marinig yung pinag-uusapan nila.

"Kumusta na kayo ni Trixie?" Tanong ni Adrian kay Dominic.

"Okay lang. Masaya naman kami." Sagot naman niya.

"Mabuti naman kung ganun. Andito lang kami para suportahan ka." Sabi ni Adrian at hinawakan sa balikat si Dominic.

"Thank you dude. I'm planning of proposing to her." Nakangiting sabi niya kaya napakuyamos ako ng kamao.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Adrian. Umalis na agad ko doon dahil nawalan na ako ng gana. Lumapit na lang ako kay Stela at umupo sa tabi niya.

END OF FLASHBACK

Pag pumayag siya, ikakasal na siya? Hindi pwede, hindi pwedeng ikasal siya sa Dominic na yun. Pwede naman silang magsama na lang, hindi na kailangang ikasal pa. Iniwan niya ko, tapos pagbalik na may iba na naman siya? At may anak na sila? Sana may nagbunga na lang nung ginawa namin, para ngayon ako pa rin yung mahal niya.

Iniling ko naman yung ulo ko. Ano ba yang pinag-iisip mo? Tigilan mo yan Drake. Hindi mo na siya mahal, si Stela na ang mahal mo at ikakasal na kayo.

Kahit hirap ako makatulog ay pinilit ko pa rin yung sarili ko. Ayoko sa mga naiisip ko ngayon.

~~

Nagising ako dahil tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko, si Ethan pala tumatawag.

"Bro ang aga-aga. Inaantok pa ako." Sagot ko sa tawag.

"Mag handa ka na. May lakad tayo ngayon, bumangon ka na dyan kasi susunduin ka na namin in 15 minutes." Excited na sagot niya.

"Teka, teka. Ano bang meron? Bat parang excited ka?" Naguguluhang tanong ko.

"May outing tayo ngayon bro, kaya maghanda ka na." Sagot niya.

"Outing? Bat di ko to alam? Hindi naman yata natin ito pinagplanuhan ah. Atsaka sino may sabing mag outing tayo?" Tanong ko na naman.

Tuwing may lakad kasi ang barkada ay dapat present lahat pag nagpaplano na. Eh hindi ko maalalang may plano kaming mag outing ngayon.

"Plinano na namin to kagabi pa. Hinanap ka namin pero di ka namin makita, pati din si Adrian at Dominic di namin nakita." Sagot niya.

Eh nakikinig ako sa pinag-uusapan nila eh.

"Sige sige, mag-aayos na muna ako." Sabi ko at binaba na yung tawag.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon