-Trixie's POV-
Hayy! It's good to be back. How I wish dito na talaga ako sa Pilipinas forever, kaso walang forever eh. Chos!
Umuwi lang naman ako dito para malibang naman ako, wala na akong ibang ginawa sa China kundi ang mamasyal at mag-aral sa bahay. Speaking of mag-aral sa bahay. Homeschooling ako, strict kasi sila Mommy at Daddy, ewan ko lang kung bakit.
Ang rude ko naman hindi pa pala ako nag papakilala. So okay! Trixie Kate Sophia Tan the youngest and the prettiest daughter of Katelyn Marie Tan and Daryl Jan Tan and the sister of Tristan Joaquin Tan at Tanya Criselle Tan. 4th year high school. Pero hindi ako spoiled brat ah, baka akala niyo.
*blaaaag*
"Ay maganda si Trixie!" ano ba yan, kakarating ko lang ito agad ang bungad niya sa akin, eh sinampal lang naman ako ng cute kong bestfriend na si Alexa.
"Ano ba naman yan Trixie Kate Sophia Tan kanina pa kita kinakausap pero hindi ko alam kung nakikinig ka, saan na naman ba nagpupunta yang utak mo at parang wala ka sa sarili mo, ni hindi mo man nga lang ako binati, nakakatampo ka na ah, minsan ka na nga lang magbakasyon dito tapos hindi mo pa ako kinakausap. Na miss lang naman kita eh, tagal mo kayang umuwi dito, tapos babalik ka pa sa China, ano ba naman yan Soph di ba pwedeng dito ka nalang? Kakausapin ko si tita or si tito, kung kailangan kong lumuhod gagawin ko basta payagan ka lang nila na dito ka na mag aaral. May school naman kayo dito ah, ba't di ka nalang dito mag-aral." Yan si Alexa ang bestfriend ko na sobrang daldal, siya na yata ang taong kilala ko na kung magsalita walang katapusan.
"Alexa Tracy Sophia Lee pwede bang kumalma ka muna okay." Tumango naman siya. "Pumunta ako rito para mag bakasyon, gusto kong maglibang, palagi nalang kasi kami ni Ahya sa Korea or sa America para magbakasyon. Gusto kong umuwi dito kasi miss na kita. Andito kasi si Achi kaya sumama na ako." paliwanag ko sa kanya para naman tumahimik na.
*Translation: Ahya (Older Brother) Achi (Older Sister)*
"Eh babalik ka pa ba sa China? Ba't di ka nalang dito mag aral Soph. Sa Tres Marias University ka nalang mag aral total kayo naman ang may ari nun eh. Sige na please dito ka nalang birthday gift mo na sa akin yun." sabay puppy eyes, ugghh how can I resist her cuteness.
"Okay I'll try asking mom kung papayag siya. Sasabihin ko rin na sa Tres Marias ako mag aaral, kakausapin ko pa si Angkong kung pwede pa ba akong mag enroll eh sa monday na ang starting of classes." sabi ko sa kanya.
*Translation: Angkong (Grandfather)*
"Okay! May pasalubong ka bang dala? Wag mong sabihing wala kang dala kasi alam kong bumili ka ng mga bag at perfumes sa America. Kaya asan na yung pasalubong ko?" Alam mo naman palang may dala akong pasalubong, eh bakit tinatanong mo pa? Minsan talaga di ko maintindihan 'tong si Alexa. Tsk!
"Okay okay! Jeez can you just wait malapit na tayo sa bahay. Sa bahay ko na ibibigay, nasa pinaka ilalim ko kasi yun inilagay, hirap naman halungkatin dito sa sasakyan."
Andito pa kasi kami sa sasakyan, pero pauwi na. Pag dating ko kasi sa airport si Alexa agad ang sumalubong sa akin, hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na magbabakasyon ako dito. Kasama niya si Manong which is driver namin dito sa Pinas, tinawagan yata ni Daddy si Manong para sunduin ako. Si Achi na una na yatang umuwi sa bahay, eh pano ba naman si Alexa nagyaya pa sa starbucks nagutom daw siya kakahintay sa akin.
"Ah maam Trixie andito na po tayo sa bahay niyo." sabi ni manong.
"Ah manong wag na po kayong mag maam sa akin at mag po, parang mas matanda tuloy ako sa'yo niyan eh." sabi ko kay manong dahil nag mukha kasi akong matanda.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...