Chapter 16

2.3K 63 2
                                    

-Trixie's POV-

Andito kami ngayon sa Shari La kasi nga diba sabi ni Mommy celebration daw.

Kasama ko ngayon sila Mommy, yung mga kaibigan ko at yung pamilya ni Drake.

"Congratulations Trix! OMG! I can sense na mananalo ka pero hindi parin talaga ako makapaniwala." Sigaw ni Alexa kaya napatingin yung ibang mga kumakain sa table namin.

Hindi ko alam kung anong nakain ng babaeng 'to. Microphone ba o megaphone? Ang lakas lakas kasi ng boses eh.

"Thank you Sissy. Ako nga rin eh hindi makapaniwala." Sabi ko.

"Congrats Shobe." Sabi ni Ahya.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap niya. "Toh sia Ahya."

*Translation: Toh sia (Thank you)*

"Anong gusto mong reward, shobe?" Tanong naman ni Achi.

"Wag na po Achi. Nakapunta ka lang, okay na ako dun." Nakangiting sabi ko.

Niyakap naman ako ni Achi. "Why would I miss that event of yours?" Taas kilay na tanong niya.

Ilang minuto pa at naiserve na rin yung pagkaing inorder namin. Saktong gutom na yung mga kaibigan ko. Tahimik lang kaming kumakain. Masyadong seryoso sa mga kinakain namin, palibhasa gutom na kaming lahat.

-Ranz's POV-

Seeing your love one happy pero hindi ikaw ang dahilan, ang sakit. Knowing that you're not the reason of her happiness.

Pero what can I do? Masaya na siya, all I can do is to support her kung saan siya sasaya. Ganun naman talaga diba? Gagawin mo ang lahat, kahit masakit, makita lang yung taong mahal mo na masaya.

"Trixie can we talk?" Tanong ko agad sa kanya.

Tapos na kaming kumain at pauwi na kaming lahat. I want to clear things right kaya ko siya kakausapin.

"Oo naman. Sige ano yung pag-uusapan natin Ranz?" Tanong niya.

"Pwede yung tayong dalawa lang?" Sabi ko. "Ihahatid kita sa inyo pagkatapos nating mag-usap." Patuloy ko.

"Sige, mag papaalam muna ako kila Mommy." Tumango nalang ako at hinintay siya sa labas ng kotse ko.

Pagkatapos niya magpaalam kila Tita ay lumapit siya kay Drake.

"Babe kay Ranz ako sasabay. May pag-uusapan daw kami. Ihahatid naman daw niya ako pauwi." Paalam niya. Nakita kung nag aalangan si Drake.

"Just be careful, okay?" Sabi niya at hinalikan sa pisnge si Trixie. Napayuko ako kasi ayokong makita yun, nasasaktan ako.

Papalapit sa si Trixie sakin kasama si Drake. "Ihatid mo siya pauwi bro ah. Drive safely." Tumango nalang ako.

Nag I love you pa sila sa isa't isa bago pumasok si Trixie sa sasakyan.

Tahimik lang kami habang pauwi sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako maguumpisa. Nawawalan ako ng lakas para sabihin sa kanya ang lahat.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon