SA WAKAS, UMABOT RIN TAYO SA EPILOGUE. ANG TAGAL RIN BAGO NATAPOS ANG STORYA NA 'TO. SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASA NITO. DAHIL SA TOTOO LANG, HINDI KO NAMAN TALAGA INEXPECT SA AABOT SA GANITO ANG STORYANG 'TO.
SO THIS IS IT. THE STORY IS ENDING NA. BUT I STILL HOPE NA PATULOY NIYO PA RIN AKONG SUPORTAHAN. I PROMISE NA SA SUSUNOD NA GAGAWA AKO NG BAGONG STORYA AY MAY UPDATE NA ARAW-ARAW.
AND TO MY READERS, AGAIN, THANK YOU SO MUCH. LOVE YOU ALL.
TAMA nga sila, na sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din naman pala ang tuloy. Sa dami ng problemang naranasan nila, who would've thought na sa simbahan sila hahantong.
Ilang oras na lang, magaganap na ang kasalang inaabangan ng lahat ng sambayanan, especially to their friends and families na nakatuon lang talaga ang pansin sa kasal nila dahil gusto nilang maging engrande ito.
They've been so busy for the wedding preparations, and they really put their hard work on it. And their hard work payed off today.
May kumatok sa pinto kung saan andun si Trixie kasama ang kanyang makeup artist.
"Bukas yan, pasok." Sigaw niya. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Nichole na may dalang yellow roses.
"Special delivery from your groom." Nakangiting sabi ni Nichole sabay abot ng bulaklak na dala niya at ibinigay ito kay Trixie.
"Thanks, cuz." Sabi naman ni Trixie.
"Don't thank me, thank your groom." Sabi ni Nichole.
Hindi naman mapigilan ni Trixie ang hindi mapangiti habang nakatingin lang sa rosas na bigay ng pinakamamahal niyang lalaki.
"PARE, pwedeng pumasok." Narinig na sigaw ni Drake mula sa labas ng kwarto kung saan siya nag aayos.
Pero bago pa siya makasagot ay pumasok na ang mga kaibigan niya. Mga kaibigan nga niya naman. Minsan naiisip niya kung bakit ba siya nagkaroon ng kaibigan na tulad nila. Pero nagpapasalamat din siya sa kanila dahil isa sila sa mga tumulong sa kanya nung mga panahong iniwan siya ni Trixie.
"Pinapabigay nga pala." May inabot na isang papel si Adrian kay Drake. Hindi niya mapigilang matawa dahil parang naging tulay nila si Nichole at Adrian.
Binuksan ni Drake ang papel na binigay sa kanya at hindi niya mapigilang mapangiti ng malaki sa nabasa niya.
'Thank you for the roses! I love you! And I can't wait to see you there.'
Hindi pa rin mawala-wala ang mga ngiti sa labi niya na nagmumukha na siyang bakla dahil sa laki ng ngiti niya.
"Kinikilig ka ba, dude?" Pang-aasar ng mga kaibigan niya.
"Tumigil nga kayo. Anong kinikilig pinagsasabi niyo diyan?" Sabi ni Drake sa mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay nagtatawanan parin.
"Ano ba kasing nakasulat sa papel at ang laki ng ngiti mo?" Tanong ni Ethan.
"Oo nga. Hindi kasi namin nakita dahil bawal daw buksan sabi ni Nichole." Sabi pa ni Ranz.
"Wag na kayong chismoso. Kay Drake na lang yun. Galing yun sa pinakamamahal niya eh." Sabi naman ni Adrian at inakbayan si Drake.
"Nako tigilan niyo 'ko. Araw ko ngayon. Ngayon pa ba kayo mang-aasar?" Napapailing sa sabi ni Drake sa mga kaibigan niya.
"Syempre, dude! Araw mo 'to kaya nga inaasar ka namin." Sagot na naman ng mga kaibigan niya at nagtawanan.
Natigil lang sila sa pagtatawanan nang may kumatok sa pinto. Si Ranz na ang nagbukas nito dahil siya naman ang malapit sa pinto. Pumasok naman ang mga magulang ni Drake.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
