-Trixie's POV
Limang taon na ang lumipas. Limang taon na rin akong single mom. May pagkakataong nahihirapan ako, lalo na pag hinahanap niya yung ama niya. Mahirap kasi wala akong maisagot.
Buti nga at di ako pinabayaan nila Mommy. Mahirap sa simula lalo nat nagalit sakin si Achi, pero nung nanganak na ako, natanggap niya yung baby ko. Pero lahat ng paghihirap ko ay nawala nung mahilayan ko yung ngiti ng anak ko.
Kaya ngayon ay handa na kaming bumalik sa Pilipinas. Gusto kong doon lumaki yung anak ko. Andun yung mga kaibigan ko at andun yung taong mahal ko.
Limang taon na ang lumipas pero yung pagmamahal ko sa kanya ay kailanman hindi nawala. Siya at siya lang yung taong nandito sa puso ko bukod sa anak at pamilya ko.
Sa mga lumipas na taon marami akong nabalitaan tungkol sa kanya. Nakatapos na siya sa pag-aaral, siya na yung nagbabantay sa kompanya nila. Pero sakin mahirap eh, mahirap lalo nat puro panghuhusga lang ng mga tao yung maririnig mo galing sa kanila.
"Handa ka na bang makaharap yung reyalidad?" Tanong ni Dominic.
Si Dominic yung kaibigan ko sa France. Siya yung palaging nasa tabi ko nung mga panahong hirap na hirap ako. Dati ko na siyang kaibigan sa China pa, nagpunta lang siyang France para mag aral.
"Hinanda ko na. Hindi ko man alam kong anong mangyayare pagdating namin ngayon, at least ngayon tatanggapin ko na kung anong magiging resulta sa desisyon ko." Malungkot na sabi ko.
"Mommy are we in the Philippines na po ba?" Tanong ng baby ko. Hindi pa siya marunong magtagalog talaga, pero tinuruan ko na siya.
"Oo anak, andito na tayo. Sisintayin na lang natin si Ninang Alexa mo, susunduin niya tayo." Sagot ko. Nakakaintindi naman siya ng tagalog, hindi nga lang makapagsalita kaya tinuturuan ko pa.
"Okay po mom." Tinuruan ko rin siyang gumamit ng po at opo.
Ninang at Ninong niya lahat ng barkada. Nung binyag kasi si Audrey inimbitahan ko sila.
"Bruha!" May may sumigaw sa likod ko kaya napaharap ako. Pati tuloy yung mga tao napatingin sa sigaw ni Alexa.
"Wag ka nga sumigaw dyan bes." Sita ko. Napapahiya naman siyang napatingin sa paligid.
"Ninang." Yakap sa kanya ni Audrey.
"Ang laki mo na Audrey namiss ka ni Ninang. How old are you na ba?" Tanong niya nung kumalas na sa yakap sa kanya si Audrey.
"4 years old na po Ninang." Magalang na sagot niya kaya napangiti ako.
"Hatid ko na kayo. Alam kong pagod kayo sa byahe." Sabi niya sakin. Tumingin naman siya kay Dominic. "Ikaw Dominic san ka?"
"Dun na lang muna ako sa pinsan ko. Wag niyo na kong ihatid, magkaiba naman tayo ng way. Mag tataxi na lang ako." Sabi niya.
Hinatid niya muna kami sa kotse ni Alexa bago kumuha ng taxi.
"Mommy I'm sleepy na po." Sabi niya habang humihikab.
"Sige matulog ka muna anak. Gigingin ka lang ni Mommy pag nasa house na tayo." Pinahiga ko siya sa balikat ko.
"Bes hindi ba kayo mamamasyal? Miss na kayo ng buong barkada." Tanong ni Alexa.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...
