-Ranz's POV-
Habang hinihintay namin si Alexa na makarating dito ay tahimik lang si Drake at parang may malalim na iniisip. Ilang segundo pa ang nakalipas at dumating narin si Alexa, sa harapan siya namin umupo. Wala munang nagsalita samin kaya sobrang tahimik.
"Tungkol san ba yung pag-uusapan natin?" Putol ni Drake sa katahimikan. Nagkatinginan naman kami ni Alexa, tumango nalang ako sa kanya.
"Kung bakit umalis si Trixie at iniwan ka ng walang paalam." Pag uumpisa ni Alexa. Tumingin naman ako sa relos ko at may 30 minutes pa naman kaming natitira.
"Iniwan niya ko, at pinagpalit sa ibang lalaki!" Galit na sabi ni Drake. Tumingin naman sakin si Alexa at parang nanghihingi ng tulong.
"Hindi ganun yun, dre." Kalmadong sabi ko sa kanya.
"Eh ano?!" Galit na galit na talagang singhal ni Drake sakin.
Naiintindihan ko siya. Alam kong nasaktan lang siya kaya siya nagkakaganyan. Wala siyang alam kung bakit hindi siya matandaan ni Trixie ngayon.
"Nung mismon--" Hindi natuloy ni Alexa ang sasabihin niya kasi may tumawag kay Drake. Bahagya pa siyang lumayo samin at sinagot ang tawag.
"Baka hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanya, Alexa." Sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?"
"Magsasalita kana sana pero may biglang tumawag sa kanya, sa tingin ko hindi pa talaga ito ang tamang oras." Paliwanag ko sa kanya.
"Kailan natin sasabihin? Kung kailan nasaktan na ulit si Trixie." Kunot noong sabi niya.
"Hindi sa ganun, mag-aantay lang tayo kung kailan pwede na nating sabihin sa kanya. Sa ngayon hindi pa ito ang tamang panahon"
"Lintek na tamang panahon yan! Hindi sa lahat ng oras mababantayan ko si Trixie, Ranz!" Singhal niya sakin.
"Naiintindihan ko Alexa, pero please kahit sa ngayon lang bantayan mo muna si Trixie." Nakiki-usap na sabi ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot kasi bumalik na si Drake.
"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ni Drake kay Alexa.
*Riiiiiiiiiiiing*
"Tara na, dre. Sa susunod nalang namin sasabihin sa'yo." Yaya ko sa kanya.
"Sabihin niyo sakin!" Maawtoridad na sabi niya.
"Oras na, dre. Baka malate tayo at mapagalitan ni Miss."
"Sabihin niyo naman sakin oh. Ang sakit sakit na kasi eh, umalis nalang siya bigla ng walang dahilan, tapos nalaman kong may iba na pala siya." Naiiyak na sabi niya. Mabilis siyang naglakad pabalik sa room. Wala na kaming nagawa si Alexa at naglakad narin pabalik sa room.
Naaawa ako kay Drake, andun kasi ako nung mga panahong nasasaktan siya. Nakita ko kung paano siya umiyak sa harapan ko, maglasing, at kung paano siya naging playboy.
"Naaawa ako kay Drake, pero sa tingin ko ay tama ka, hindi pa ito ang tamang oras." Napatingin ako kay Alexa sa sinabi niya, kita ko yung lungkot na nararamdaman niya sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...