Chapter 35

2.3K 65 5
                                    

Medyo may kahabaan ang update na to dahil sa tagal ba namang hindi ako nakapag-ud, but I'm sure It'll be worth it. Enjoy reading.

-Trixie's POV-

Napabitaw naman sa pagkakayap si Drake dahil may batang yumakap sa kanya. Napatakip naman ako ng bibig nung nakita kong si Audrey yung batang yumakap sa kanya.

"Daddy." Sabi ni Audrey habang nakayakap pa rin sa kanya.

Gulat namang napatingin sakin si Drake, ang kanyang mga mata'y puno ng mga katanungan.

"Audrey, come here." May humila naman kay Audrey sa pagkakayakap kay Drake.

"No! I want my daddy." Nagpupumiglas na si Audrey at umiiyak na.

"Sorry bes. Nakita niya kasi yung picture niyo ni Drake sa kwarto mo, tinanong ako kung siya ba yung daddy niya, hindi ko naman sana sasabihin, kaso umiiyak na siya naawa kasi ako sa bata kaya nasabi ko. I'm sorry bes." Sabi ni Alexa.

Hinawakan ko naman siya sa kamay. "It's okay, bes. Ilayo mo na muna si Audrey, may pag uusapan lang kami." Tumango naman siya. Bumaling naman ako kay Audrey na karga niya. "Baby, stop crying na. Go with your Tita first, daddy and I will get you, mag uusap lang kami, okay?" Himinahon naman siya at tumango.

Umalis na sila kaya humarap na ulit ako kay Drake. Pagtataka yung makikita mo sa mukha niya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Daddy? Anak ko si Audrey?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Dahan dahan naman akong tumango. "Oo."

"How come?" Nauutal na tanong niya.

"Umalis ako hindi dahil sa hindi na kita mahal, kundi dahil ayokong maging sagabal sa pag aaral mo." Sabi ko.

"Hinding hindi ka magiging sagabal sa buhay ko kahit kailan." Sabi niya sabay iling.

"Ayokong kami ang maging dahilan para masira ang buhay mo. Ayokong mahirapan ka kaya kahit mahirap, umalis ako at lumayo sayo." Sabi ko.

Pinunasan naman niya yung luha sa pisnge ko. "Hindi naman masisira yung buhay ko sa inyo eh. Hindi mo naman kailangang umalis, papanagutan naman kita. Diba sabi ko sayo pag may nabuo, papanindigan kita. Nasa tabi mo sana ako nung mga panahong nahihirapan ka. Nasa tabi mo sana ako nung mga panahong naglilihi ka pa. Nasa tabi mo sana ako nung naipanganak mo na yung baby natin." Sabi niya.

"Kaya nga bumalik agad ako dito kasi gusto kong malaman mo ang katotohanan, kaso nalaman kong ikakasal na kayo ni Stela kaya tinago ko na lang. I'm sorry kung iniwan kita, ayoko lang talagang maging sagabal sa pag aaral mo kaya umalis na lang ako." Sabi ko.

Hinila naman niya yung kamay ko at niyakap. "It's okay. Ang mahalaga ngayon, magkasama na tayo. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo, hindi ka sana nahirapan."

Bumitaw na ako sa pagkakayap at humarap sa kanya sabay ngiti. "Tara? Hinihintay ka na ni Audrey?" Tumango naman siya.

Pumasok kami sa Mcdo dahil dun nila dinala si Audrey para hindi na umiyak. Hawak kamay naman kaming lumapit sa kanila.

"Daddy." Sigaw ni Audrey sabay takbo palapit samin.

Kinarga naman agad siya ni Drake kaya bumitaw na ako sa pagkakahawak. Napangiti naman ako nung nakita ko silang masaya at nagtatawanan.

"Finally, nakita ko na rin yung totoo mong ngiti." May nagsalita sa gilid ko kaya napatingin ako, si Faith pala.

"Bumalik na rin ang dating Trixie." Sabi naman ni Patricia.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon