-Nichole's POV-
"Sige iibahin ko na lang yung tanong. Paano kung nasa iisang bangka tayo ng ex mo. Tatlo lang tayo. Palubog na yung bangka tapos ikaw lang ang marunong lumangoy. Sinong ililigtas mo? Ako o yung ex mo?" Tanong ko.
Nanahimik si Adrian. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot na naging dahilan para mawasak ang puso ko ngayong gabi.
"Si Vanessa." Mahina niyang sagot pero rinig na rinig ito ng puso't isipan ko.
"Mahal mo pa rin siya noh?" Natatawang tanong niya. "Sige. Goodnight"
Mas dumoble yung awa ko sa sarili ko. Bakit kasi kailangan ko pa itanong yun sa kanya? Alam ko naman yun ang isasagot niya eh. Alam ko naman na yung ex niya yung ililigtas niya kung sakali. Wala eh, mahal niya pa. Sino ba ako para unahin niya? Sino ba ako para pag-aksayahan niya maligtas? Bakit ako umaasa sa taong 'di ko naman alam ang lugar ko o may ilulugar ba ako sa puso niya? Bakit ba ako umasa kahit alam kong mahal niya pa rin yung ex?
Pero hanggang saan ba ako aasa? Hanggang saan ako magpapakatanga at hanggang saan ko hahayaan ang sarili ko na masaktan sa isang bagay na imposibleng mangyari? Ito ang mahirap sa isang tao eh. Hindi niya alam kung saan na lang ba dapat. Kung kailan siya titigil kapag nasasaktan na. Kasi ang tao umaasa pa rin siya sa isang bagay na alam naman niyang hinding-hindi mangyayari.
Tatlong oras na ang lumipas pero 'di pa rin ako makatulog. Yung mga pinsan ko tulog na dahil 'di na sila gumagalaw. Mabuti pa sila nakatulog na agad samantalang ako 'di man lang dalawin ng antok.
"Adrian?" Pagtawag ko sa kanya ng mahina kahit nasa kabilang kwarto siya.
Walang sumagot. Malamang nasa kabilang kwarto siya. Ngayon ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya. Para kahit naman nasa kabilang kwarto siya nasabi ko ang nilalaman ng puso ko.
"Gusto kita." Mahina kong bulong. Baka marinig ng iba. "Gustong gusto kita kahit ang sakit sakit na."
Napangiti ako sa sarili ko saka tumagilid na rin para matulog. Hinayaan na tumulo ang luha ko at umaasang pag gising ko, hindi na ako masaktan pa.
~~
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Pag mulat ng mata ko, nakita ko si Trixie nakaupo sa sofa at nakatingin sakin. Parang may malalim siyang iniisip.
"Trixie." Pukaw ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin.
"Gising ka na pala? Good morning." Bati niya sakin. Binati ko rin siya pabalik.
"Anong nangyari sa inyo kagabi?" Wala siyang sinabing pangalan pero alam kong si Adrian ang tinutukoy niya.
"Wala." Hindi ako makatingin sa kanya.
"Narinig kita kagabi. Gusto mo si Adrian pero nasasaktan ka na. Mahal mo siya?" Seryosong tanong niya.
"Mahal? Haha." Kinakabahan akong tumawa. "Papaano ko mamahalin ang taong may mahal namang iba? Papaano ko mamahalin ang taong alam ko namang wala akong aasahan? Papaano ko mamahalin ang taong 'di pa tapos magmahal ng iba? Papano ko mamahalin ang taong hindi pa nakaka-move on sa ex niya?" Natatawang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Four Bad Boys
RomanceNagsimula ang lahat because of that incident na di niya inaasahan at dun na nagsimula ang kanilang natatanging kuwento na tiyak makakarelate ang lahat. A love story challenged by time and fate that happy ending do exist if you believe.. Isang obra m...